Libre ang pag-aaral sa Sisters of Mary School. Posible ito dahil sa mga donasyon mula sa mga may mabubuting puso. Ang mga estudyante ay may maayos na tiragan, sapat at masustansyang pagkain, damit at lahat ng kailangan nila. Sa loob ng campus sila nakatira at taunan ang bakasyon. Pwede silang bisitahin ng mga magulang tuwing visiting day na isang beses din lamang isang taon. Dapat ay galing ka sa pinakamahirap na pamilya para makapasok dito. Kailangan mo ring maipasa ang entrance examination.
Sa murang edad na mapapahiwalay ka sa magulang, mga mahal sa buhay at kaibigan, expected naman ang homesickness. Natural na malungkot, umiyak at kapag di talaga kinaya, pipiliin ang umuwi sa walang katiyakang hinaharap imbes na magpursigeng tapusin ang pag-aaral.
This year, nag-imibita kami ng professional psychologist para talakayin ang homesickness at magbigay ng mga tips kung paano ito bakahin. `
Nagkwento din kami ng aming mga karanasan habang nasa school pa at kung paano namin ito napaglampasan at kung paano kami nakarating sa aming mga kinatatayuan ngayon dahil sa Sisters of Mary School.
May tinanong akong isang bata kung taga saan sya at kung ano ang goal nya. Sabi nya, in 10 Years time, magiging professioal syang guro upang makatulong sa community at sa kanyang magulang. Yup, tinuruan namin sila kung paano mag set ng goals, dapat ito ay time-bound, measurable and with a specific purpose. ;-)
Taga Occidental Mindoro daw sya. Gulat na gulat ang mga bata nang sinabi kong ang dating Board Member at ngayo'y Vice Mayor ng San Jose Occidental Mindoro ay graduate din ng Sisters of Mary School. At Helping Brother ko pa! :-)
Kaya pinangako namin sila na pag-iigihin ang pag-aaral, magiging masunurin sa mga madre at madasalin. Hinikayat din namin sila na gawin ding goal ang pagtulong sa Sisters of Mary School kapag sila ay nakaluluwag na sa buhay.
Curious ka about The Sisters of Mary School? Visit http://thesistersofmaryschools.edu.ph
Gusto mong magbigay ng donasyon para sa mga bata? Visit http://www.facfi.org.ph
No comments:
Post a Comment