Saturday, January 05, 2008

Blog, blogging and blogger templates

Mahigit apat na taon na rin pala simula ng gawin ang blog na ito. Noong una'y mga blog lang ng mga tibak ang binibista ko mga bloggers na ang paksa ay pulitika. Pero bandang huli, naging madami na rin ang mga kakilalang bloggers. Ilang EB's na rin ang napuntahan ko at nakasalamuha ang ilang mga bloggers na naging kaibigan na din. Nakisangkot pa nga ako dati sa sa isyu hinggil sa talking points ng inq7.net. Kasama din ako doon sa unang Pinoyblog Christmas Party na inorganisa ng Pinoyblog.com noong December 2005.

Noong nakaraang taon, naging matamlay ang blogging life ko. Madami akong kakilala na kumukita ng pera sa pamamagitan lang ng blogs nila. Luffet di ba? hehe! Pinakasikat dito ay yung google adsense. Simula noong naglagay ako ng adsense sa blog ko, 2 beses lang ako nakakakuha ng google check mula sa blog na ito at doon sa asmsi website na nilagyan ko rin dati ng adsense. (Note to self: Ibigay na sa alumni yung share ng asmsi. hehe!).

At ngayon nga, susubukan kong buhayin ulit itong blog ko. Ang una kong ginawa ay ayusin yung templates ng blog na ito at nung Canada Visa blog ko. Sa paghahanap ko ng mga tips kung paano gawin ito at kung paano ilagay ng maayos ang adsense sa bagong blogger, madami naman akong available online resources. Sa mga katulad kong hindi naman talaga marunong mag-code, malaking tulong ang mga links na ito:

Templates:
Gecko and Fly
Blogcrowds

Adesense Hacks and Tips:
Devils Workshop
Blogger Digest
Parse Google Adsense
Blogtimizer

2 comments:

  1. wow. kapag mas maayos na ang time management ko, pupuntahan ko yung mga links mo, ka apol. :) gusto ko nga blog mo e, easy on the eyes. i have bad eyesight din kasi e. ay, bigla kitang na miss! truly. miss ko yung simple mong dating na malakas. :)

    ReplyDelete
  2. naks! simple na malakas ang dating. hehe!

    naku, ngayon ko lang naisip, wordpress pala gamit mo. hehe! dedicated ko pa naman talaga sana sayo yang mga links na yan. :-)

    ReplyDelete