Monday, January 03, 2005

Pinoyblog Christmas Party

Sa totoo lang mahiyain talaga ako lalo na kapag di ko pa masyadong kakilala yung mga kasama sa mga gatherings or parties. Pero ibang klase yung Pinoyblog Christmas Party! Pakiramdam ko'y matagal ko nang kakilala yung mga bloggers na nagpunta.

Swerte ko pa nga sa excahnge gift kasi ako yung nakakuha ng CD na galing kay Joyce Jimenez. Opo, nandooon si Joyce Jimenez! Yun nga lang hindi yung Private Joyce ang CD na nakuha ko, kundi yung mga collections ng magagandang love songs ni Diane Warren. Salamat ulit ng marami, Joyce Jimenez!

Yung CD ko naman na Best of Inang Laya ay napunta kay Ms. Sassy. Bakit yun ang binili ko? Kasi bihira ang bumibili nito pero maganda naman yung mensahe ng mga kanta. Gustong-gusto yun ng mga tibak at mga dating tibak. Sana magustuhan nya rin yun. hehe!

May mga pictures na nakapost sa blog ni Ate Jet, ang maybahay ni Batjay. Super cool ang dalawang ito na noong una ay hindi alam ni Ajay na mag-asawa pala. Kaya medyo nagkatawanan nang tanungin nya si Batjay kung magkaanu-ano sila. hehe!

May mga pictures din sa blog ni Doc Emer, na kasamang dumating sa party ang kanyang soulmate. (Singit ko na lang din, extended po ang botohan para sa Asia Blog Awards 2004, please vote for Dr. Emer under Best Asian Newcomer Category here)

Dumating din syempre si Tito Rolly na nagkataong titser pala ng fafa ni Kabayang Mec. Nandoon din si AnP na kagagaling lang ng Germany at si BongK na medyo palaisipan pa rin sa akin kung saan nagtatrabaho. Di raw kasi sya pwede magblog tungkol sa trabaho nya kaya naiingit sya sa iba. Ang hula ni Mari ay baka raw sa Intelligence. hehe! Nandoon din syempre ang La Vida Lawyer, na isa sa mga naglagay ng nametag sa likod ni Yuga. hehe!



Si Demented Vixen at si Lornadahl ay mukhang gumimik pa pagkatapos maghiwa-hiwalay sa Starbucks. Hindi ko masyadong nakakwnetuhan si Watson at si Enya pero di bale, may next time pa naman. hehe! Napagusapan naman namin nila Julsitos yung tungkol sa polydactyly ni Sophia ko.

Halos lahat ay nagulat tuwing magpapakilala si Yuga, ang layo daw sa picture nya na nung college pa pala kuha. hehe! Si Karla lang yata ang di nagulat kasi matagal-tagal na rin silang magkakilala sa Grabeh.com.

Nandito yung mga pictures namin.

See you again this February?

No comments:

Post a Comment