Wednesday, May 07, 2008

ASMSI 2008 Summer Getaway: Boracay

Nagtapos ako ng high school sa Sisters of Mary School, isang paaralang pinapatakbo ng isang kongragasyon ng mga madre (Sisters of Mary). Libre ang edukasyon dito pati na ang mga gamit sa paaralan, dormitoryo at pati pagkain. Parang seminaryo ang set up dito dahil stay in ang mga estudyante at pwede lang magbakasyon ng isang buwan kada taon sa loob ng apat na taon hanggang sa makatapos ng high scholl na. Medyo kakaiba ang set-up, kaya naman medyo kakaiba din ang samahan naming mga nagsipagtapos dito.

Ang kasama ko sa apartment ngayon sa Makati ay mga schoolmates ko noong high school. Hindi kami magkakabatch at ako ang pinakamatanda sa grupo. Ang tawag namin dito ay Big Brother House. Ako si Kuya. hehe!

Annual Summer Getaway

Taun-taon ay nag-oorganisa kami ng gimik tuwing summer. Noong isang taon ay sa Palawan ang destinasyon pero hindi ako nakasama dahil sa trabaho. Bago ito ay pumunta na rin kami sa Puerto Galera. At ngayon nga, sa Boracay naman kami pumunta.

Underwater Shot



Dahila may schoolmate kami na nagtatrabaho sa Cebu Pacific (Thanks Nick!), nakakuha kami ng magandang deal para sa plane ticket namin. Ganun din naman ang nangyari para sa accommodation at byahe namin mula airport papuntang Boracay. May school mate kami na taga Kalibo kaya sya na ang nag-ayos ng lahat (Salamat kay Athel at Russel).

Taga Iya kami.

Ang mga turista palang pumupunta sa Boracay ay kailangang magbayad ng Environtal Fee (or is it terminal fee?) bago sumakay sa bangka na maghahatid sa Boracay.
Kalibo Airport



Para daw makaiwas sa babayaran, sabihin daw namin na Taga Iya kami kapag tinanong. At huwag daw kami masyado magkwnetuhan para hindi mahalata.

Dalwampu't apat kami na magkakasama. At yun nga, bago kami nakapasok sa boarding area ay tinanong kami kung taga-saan kami. Kasama ako sa apat na nauna at nakalampas sa screening. Pero yung sumunod ay nahalatang di taga Aklan dahil binisaya na siya at di na nakasagot. Nabisto tuloy. hehe! (Ok lang yun Roy! hehe!)

Lunch at Caticlan

Mula sa Airport ay may sumundo na sa aming 3 vans para maghatid sa Caticlan. Pagdating doon ay nananghalian muna kami sa Andoks, na ayaw mamigay ng yelo para sa inorder naming soft drinks. Kailangan pa talaga naming bumili ng yelo. hehe! Sabi ng schoolmate naming taga Aklan, may 7 branches daw yata ang Andoks sa Kalibo.

May Jollibee din pala sa Caticlan kaya lang mukha lang syang jollijeep sa na nadon sa Makati. hehe!

Island Tour

Dahil madami kaming magkakasama, nakakuha kami ng discount sa Island Tour Package. Mula sa original price na P700, nakuha lang namin ng P500.

Boat


Sulit na sulit ang bayad dahil kasama na dito ang napakasarap na buffet, snorkeling at guide. Kasama sa pinuntahan namin ang Cristal Cove. Ok naman ang tanawin dito, pero sa halagang P150 na entrance fee, hindi ito sulit. Hindi kawalan kung hindi ito pupuntahan.

Coffee
May coffee shop sa Boracay na ang pangalan ay Lonely Planet Coffee. Sinubukan namin magkape doon at iisa ang aming obserbasyon: There's a reason why its called lonely planet, the name says it all. Ang lungkot!

Masarap ang kape doon sa English Bakery. Ok din naman ang breakfast doon pero hindi ganun kaganda ang presentation. Uhmmm... ok na rin naman.

Mt. Luho Advenure

Ang Mt. Luho ang pinakamataas na lugar sa isla ng Boracay. Mula dito ay tanaw mo ang palibot ng buong isla. May mga All Terrain Vehicles (ATV) na pwedeng arkelahin sa halagang P500 para sakyan papuntang tuktok
ATV
Si Binx ang nasa picture na talaga namang humataw sa ATV. Yun nga lang, hindi ako nakasama sa gimik na ito dahil sobrang sakit na ng katawan ko matapos mag-kayak, volley ball a snorkeling sa private beach ng Asya Boracay)

Masaya ang trip na ito at talaga namang sulit na sulit. Kaya naman pauwi pa lang kami mula Boracay, pinapag-usapan na agad kung saan ang gimik sa susunod na taon.hehe!

More pictures here

4 comments:

  1. Uuuuyy di ko pa napupuntahan ang Mt. Luho!

    ReplyDelete
  2. lo inggit ako!! :(

    ang saya ng mga pix niyo, i know its so much fun jst looking at your pix!

    ReplyDelete
  3. Nabitin ako sa pictures! Haha! More, more!

    ReplyDelete
  4. Nick, punta tayo! di ko pa rin na-try eh. hehe!

    Niko, madami pa namang next time. :-)

    Toni, bitin ba? hehe!

    ReplyDelete