Thursday, June 26, 2008

Barako the Movie

Ipapalabas na pala ang Barako sa Robinson's Galleria (Cineme 8) mula July 9-15. Matagal ko na ito gustong mapanood kaya hindi ko ito palalampasin. Bukod sa email na natanggap ko mula kay Jun na kasama ko sa Batanueno.Net, ay nag-post din sya ng entry tungkol dito: Barako: The Movie

Tungkol saan ang Barako?

THE MOVIE. Barako is a haunting account of a young man’s attempt to effect change in his town by gathering his friends around a kapihan called “barakuhan”. In the absence of media, it effectively becomes a venue for the townsfolk to practice their democratic rights, colliding expectedly with the elite’s political and economic interests.

The movie starts glaringly with the American occupation of Batangas (early 1900) with the valiant Gen. Malvar (Archie Adamos) and another local hero, Mateo Ilustre (Manolito Sulit) plotting its defense. It then takes us to a seemingly restive yet impoverished BatangueƱo community 100 years later, taking shifting points of view of the people from the grassroots, drawing them initially around one central figure, an unnamed character labeled only as the Publicist (Publisista, played by Arnold Reyes) and later on, around yet another, Mando (Carlon Matobato)—referred to in the story (by the Publicist himself) as "ang tunay na barako".

BASED ON A TRUE STORY. “Barakuhan,” a public forum over a cup of coffee organized by the Publicist with other major characters (played by the likes of Nanding Josef, a veteran actor and CCP’s artistic director, and surprisingly, poets Mike Coroza and Vim Nadera) is in actual existence in Ibaan, Batangas from 2002-2005, remembered by the locals as one that decisively confronted a relatively unknown power outage that crippled the town for six weeks in 2003—which has also become part of the movie.

Other characters (most are also unnamed) include the Politician (Pulitiko, played by Leo Martinez) and his cohorts (Behn Cervantes, Dennis Marasigan, Tots Aguila, Arthur Casanova and Raul Funilas), plus a significant portrayal of the aging Publicist by National Artist for Literature Bienvenido Lumbera .

WHAT THEY SAY. Barako has been described by no less than National Artist Bienvenido Lumbera as the only movie in current circulation that “completely” tackled Philippine politics. “Like Behn Cervantes’ Sakada in the Martial Law years,” he commented, “but more complete.”

Rhod Nuncio, in a review, wrote, “Manolito Sulit, the Filipino poet cum director and scriptwriter of this film envisions a criss-crossing of time, genre, form, and narrative to bring out a contemporary reading of local/national Filipino life.”

Barako earned the title “new Noli” from the viewers in its so-called Cinemalaya “world premiere” in July 24, 2007 at the Cultural Center of the Philippines, taking into account some similarities with Rizal’s novel.[Source: Barakothemovie.com]

Sa amin sa Batangas, hindi laang daw kape ang barako. Pati daw mga tao. hehe!

Thursday, June 19, 2008

Finally, an update!

Medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw at magiging busy pa sa mga susunod pang mga araw. Hindi ko pa tuloy nasasagot ang ilang mga comments sa blog ko.

Kaya eto na muna ang ilang maiigsing updates at samu't saring komento.

1. Niko Ganda, na-update ko na po yung url mo. Hindi ka na sniper? hehe!

2. May bagong sports blog si Doms. Regular updates lang at konting SEO tricks, kikita ka rin dyan. Sana! :-)

3. Umpisa na naman ng pasok ni Pia. Kinder na sya kaya malapit na syang maging dentist. Ang mahal talaga ng edukasyon sa Pilipinas. Buti pa sa Canada, libre.

4. Ihahatid ko sana si Pia noong Lunes kaya lang hindi ako nagising sa alarm. Pasado alas sais na ako nagising. 10am ang pasok nya, limang oras ang byahe papunta sa Pangasinan. Pinuntahan ko na lang sya sa school pero di ko rin inabutan kasi maaga sila pinauwi. Orientation lang daw kasi.

5. Nag-stay lang ako ng apat na oras sa Pangasinan at bumalik na rin ako agad sa Manila. Mas mahaba pa ang travel time ko kaysa sa pag stay ko doon. Pero sulit naman ang apat na oras. Walang ubos ang kwento ni Pia. Pupunta ulit ako doon sa Lunes at sa mga susunod pang mga Lunes. Pipilitin ko.

6.Si Binx, gusto maging mangkukulam para kulamin nya raw yung mga kumidnap kay Ces at sa walang kwentang namumuno sa gobyerno natin. Lahat na lang yata ng kilala ko galit kay Gloria, maliban kay Alex. hehe!

7. The family that prays together stays together - Fr. Patrick Peyton.

8. The family that preys together stays together - The Arroyos?

9. Salamat nga pala sa mga bumati noong father's day. Lalo na kay Tito Rolly na talaga namang hinahangaan ko sa pagiging Tatay, sa pagdadala ng pamilya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa ring isa akong malaking failure pagdating dito. Pero pinipilit ko namang makabawi.

10. Gloria Resign!

Thursday, June 12, 2008

Republikang Basahan

Araw daw ng kalayaan ngayon? Pero malaya na nga ba talaga tayo? Kanino?

Angkop na angkop ang Tulang ito ni Teodoro Agoncillo para sa araw ng "kalayaan". Si Teodoro Agoncillo ay isang historian na nagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas mula sa pananaw ng isang Filipino. Ilan sa mga sikat nyang akda ay ang The Revolt of the Masses; The Story of Bonifacio and the Katipunan; Malolos, The Crisis of the Republic; Philippine History; and the History of the Filipino People.

Republikang Basahan
Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Ksarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

Wednesday, June 04, 2008

Pia's New Pet: Dachshund Dog


Ito ang bagong alaga ni Pia ngayon, si Monique. Bigay sa kanya ng Lola Emma nya na Tita ni Setsu. Dachshund daw ang breed ni Monique. Medyo mahaba ang katawan nya at maiigsi ang paa.

Lagi syang may kwento tungkol kay Monique. Tuwing pinupuntahan nya daw si Monique ay lagi syang tinatalon at para daw syang yinayakap. Madalas nga kapag kausap ko sya sa telepono ay laging bida sa mga kwneto nya. Tuwang-tuwa talaga si Pia sa bago nyang alaga.

Kahapon ay nandoon ako sa Pangasinan. Malapit na kasi ang pasukan sa school kaya ipinamili ko na sya ng mga gamit. Pag dating namin sa bahay mula sa mall ay agad nyang binisita si Monique. Pilit pa nga akong isinama para makita ko daw si Monique.

Daddy, meet Monique



Miss mo ako ano?


Bukod kay Monique, may love birds din si Pia na ang pangalan naman ay Jimboy at Anna. May hamster din sya kaya lang ay hindi nagtagal ang buhay.

Gusto nya rin daw ng parrot at monkey. Gudlak naman!