Thursday, June 19, 2008

Finally, an update!

Medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw at magiging busy pa sa mga susunod pang mga araw. Hindi ko pa tuloy nasasagot ang ilang mga comments sa blog ko.

Kaya eto na muna ang ilang maiigsing updates at samu't saring komento.

1. Niko Ganda, na-update ko na po yung url mo. Hindi ka na sniper? hehe!

2. May bagong sports blog si Doms. Regular updates lang at konting SEO tricks, kikita ka rin dyan. Sana! :-)

3. Umpisa na naman ng pasok ni Pia. Kinder na sya kaya malapit na syang maging dentist. Ang mahal talaga ng edukasyon sa Pilipinas. Buti pa sa Canada, libre.

4. Ihahatid ko sana si Pia noong Lunes kaya lang hindi ako nagising sa alarm. Pasado alas sais na ako nagising. 10am ang pasok nya, limang oras ang byahe papunta sa Pangasinan. Pinuntahan ko na lang sya sa school pero di ko rin inabutan kasi maaga sila pinauwi. Orientation lang daw kasi.

5. Nag-stay lang ako ng apat na oras sa Pangasinan at bumalik na rin ako agad sa Manila. Mas mahaba pa ang travel time ko kaysa sa pag stay ko doon. Pero sulit naman ang apat na oras. Walang ubos ang kwento ni Pia. Pupunta ulit ako doon sa Lunes at sa mga susunod pang mga Lunes. Pipilitin ko.

6.Si Binx, gusto maging mangkukulam para kulamin nya raw yung mga kumidnap kay Ces at sa walang kwentang namumuno sa gobyerno natin. Lahat na lang yata ng kilala ko galit kay Gloria, maliban kay Alex. hehe!

7. The family that prays together stays together - Fr. Patrick Peyton.

8. The family that preys together stays together - The Arroyos?

9. Salamat nga pala sa mga bumati noong father's day. Lalo na kay Tito Rolly na talaga namang hinahangaan ko sa pagiging Tatay, sa pagdadala ng pamilya. Hanggang ngayon, iniisip ko pa ring isa akong malaking failure pagdating dito. Pero pinipilit ko namang makabawi.

10. Gloria Resign!

9 comments:

  1. yeah im not sniper anymore lo and i'm so glad :D

    oi anung emote mo na failure ka sa pagiging daddy ni pia??
    that's not true!!
    hala BATUKAN KAYA KITA!!!

    ;)

    ReplyDelete
  2. galit ba ko kay gloria? hmm... di naman masyado! hahahah!

    ReplyDelete
  3. hehe hindi ako maka-gloria. I know she is not perfect, and she had made some fallacies, but the thing I just don't like the ways you guy do bashing some people, do embracing violence to get what you want. These are unchristian things to do. There are more intelligent, and effective ways to initiate change. Go to Ateneo and you will learn all those -- the educated way. I am for truth as you can see in my blog but feretting out the truth must be within the boundary of the rule of law. I just don't bite some nasty ideas to effect change in the society.

    ReplyDelete
  4. There are more intelligent, and effective ways to initiate change. Go to Ateneo and you will learn all those -- the educated way.
    Uhm... sa PUP kaya hindi yan available? ;-)

    ReplyDelete
  5. Thanks for the web mileage for my sports blog.

    Belated Happy Father's Day.

    ReplyDelete
  6. Don't be too hard on yourself. I know you are a very good father and provider.

    ReplyDelete
  7. hay, tulad ni niko, ako naman papaluin na lang kita... sa pwet!

    anoba, ang bata pa ng anak mo, kelan ka lang naging daddy. it's still too early to judge you as a father. and besides, so far, with all the sacrifices you're making for her and for being with her as much as you could, sino ang magju-judge na masama kang ama?

    maraming gagong ama sa paligid natin. hindi ka kasama dun...

    ReplyDelete
  8. Salamat po sa inyong mga vote of confidence. :-) Sana nga... Sana...

    ReplyDelete