Friday, October 17, 2003

'tangna mo BUSH!




Tuesday, October 07, 2003

Sayang

Batas na ng tadhana na may mga kaganapan sa buhay ng isang tao na di man natin gustuhin ay kusang nagaganap. Ito ay ang mga bagay na sadyang nakatakda upang maganap na tanging tadhana lamang ang syang may kapasyahan.

Ang malalakas na alon ay pansamantalang nagpatigil sa aking paglalakbay. Gustuhin man ng aking diwa ay di naman kaya ng aking katawan ang magpatuloy pa. Kahit anong higpit ng aking tangan ay tila mabibitawan ko ang sagwan kapag ako'y patuloy na nakipagsapalran. Upang hindi mabitawan ang aking tangan ay nagpasya akong palipasin muna ang unos na syang nagdudulot ng malalakas na hampas ng alon.

Bawat mga araw at gabi na patuloy ang paghampas ng alon, ay tila pinapawi ang noo'y malinaw na daan na sadyang nakaukit sa laot ng kabalintunaan ng buhay. At tila di pa sapat ang lahat, madidilim na ulap ay sadyang humarang sa liwanag mula sa langit na nagtuturo ng daan. Sadyang mapagbiro ang tadhana.

Eto lang ang masasabi ko sa mga kaganapang ito: Lahat ng bagay ay may hangganan at kapag sumapit na ang dulo ng bukas ay di na natin kailanman maibabalik ang simula ng kahapon. Hindi ko sinisisi ang tadhana, subalit nanghihinayang ako sa mga panaginip na nabuo sa buong panahon ng paglalakbay na sa isang saglit ay nabasag dulot ng di tiyak na salamin ng damdamin.