Wednesday, November 24, 2004

Videoke

May nakakwentuhan akong German (tourist) na minsan ay naging guest namin sa Mediahub Cafe. Katabi ko sya sa bar at pareho kaming umiinom. Inalok ko siyang kumanta dahil nang mga oras na yun ay may mga nagbi-videoke pa. Hindi raw sya marunong kumanta. Tapos tinanong nya ako kung kumakanta daw ba ako. Sabi ko hindi rin. Medyo nagulat sya sa sagot ko at sabi pa nga nya, isa daw sa bawat dalawang Pilipino ay mahilig sa videoke. Hindi ko tiyak kung saan galing ang statistics nya pero mukhang reputasyon na yata talaga ng mga pinoy ang pagiging mahilig sa videoke/karaoke.

Mahilig din naman ako sa videoke. Hindi nga lang malakas ang loob ko. Nakakakanta lang ako pag nasa bahay. O kaya naman ay kung medyo marami na akong naiinom, yung tipong wala nang espasyo ang hiya. hehe! Marami akong naririnig na kumakanta pero ang sagwa naman pakinggan. Isip-isip ko na lang, buti pa ang mga yun at ang lalakas ng loob.

Pero kagabi medyo napasubo ako, kinantyawan kasi ako ni Marivic, regular guest, na kumanta naman daw ako. Pinagbigyan ko naman. Pero nung napansin kong halos lahat na sila ay nakikinig sa kanta ko, ipinasa ko na sa iba yung microphone. Inabot na ako ng hiya eh. Eto yung kinanta ko-

Ikaw lang ang mamahalin
Martin Nievera

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan

Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka muling mahahagkan
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Palagay ko ay nag-malfunction yung videoke kasi 96 ang score ko. hehe!

No comments:

Post a Comment