Hanggang ngayon ay Sister Joy pa rin ang tawag ko sa kanya, yun kasi ang nakasanayan ko eh. Dati kasi syang madre na nag-aalaga sa mga estudyante ng Sisters of Mary School (SMS) at isa ako sa mga naging alaga nya 12 taon na ang nakakaraan. Natatandaan ko pa nga na minsan ay nakikipaglaro sya sa amin ng basketball. hehe!
Two years ago, nagulat na lang ako ng tumawag sya dito sa opis at doon ko na nga nalaman na lumabas na raw sya ng SMS, hindi na sya madre. Nalaman nya yung number ko sa isa pang gradweyt ng SMS. Nagkasundo kaming magkita sa Glorieta, dinner date kami. Nauna ako sa tagpuan namin kasi nga excited ako na makita syang muli. Ang problema nga lang ay hindi ko tiyak kung makikilala ko sya agad kasi nga di ko pa sya nakikita na hindi nakasuot pang-madre. Naghintay ako di kalayuan sa lugar na pinag-usapan namin (harap ng Mcdo) para masubukan kung makikilala nya pa rin ako matapos ang 10 taong di pagkikita. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa akin at tinanong ako kung ba't doon daw ako naghihintay. hehe! Sabi nya
nag-dinner kami sa Kenny Rogers. Ang tagal naming nagkwentuhan. At simula nga noon ay madalas na kaming nagkikita at nag-uusap sa telepono. minsan pa nga ay humihingi sya ng payo tungkol sa kanyang lablayp.
Huwag ko na raw syang tawaging Sister Joy, Ate Joy na lang daw. Sabi ko naman eh tinagalog nya lang naman yun eh.
Maikling paliwanag lang tungkol sa Sisters of Mary:
Ang Sisters of Mary School ay paaralang itinayo para sa mga kapuspalad, para sa mga kabataang hindi na kaya ipagpatuloy ang pag-aaral. Nagbibigay ito ng libreng high school education, vocational training, damit, pagkain, gamit sa pag-aaral at maayos na dormitoryo. Opo, mistulang isang paraiso. Ang pondong ginagamit dito ay galing lamang sa mga donasyon mula sa iba't-ibang bahagi ng daigdig. Sa totoo lang, di ko sigurado kung nasaan ako ngayon kung wala ang sisters of mary. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ko kay Fr. Al. Tingin ko nga sa kabuuang ito ay isang himala. Nakakatuwang isipin na ilan sa mga gradweyts ng SMS na halos aandap-andap ang buhay dati ay maayos na ang mga buhay ngayon - May mga abogado, enginers, teachers, CPA's, municipal councillors, businessmen at iba pa. Marami sa mga kapwa ko gradweyts ay nagtatrabaho sa Toyota, Nissan at maging so Ford, sa tulong na rin ng Sistres of Mary. Marami din ang mga napapasok sa mga pabrika bilang production workers at nagiging mga self-supporting students. Baka sakaling may gusto dyang magbigay ng donasyon, click nyo lang po ito. Pwede rin po ang online donations dito.
Ipinagmamalaki ko pong isa akong gradweyt ng Sisters of Mary School. :)
No comments:
Post a Comment