Nang simulan ko ang blog ko halos 2 taon na ang nakalilipas, wala akong personal na kakilala na may blog din. Para akong bulag na nangangapa sa dilim. Ang naging teknik ko, sumali ako sa mga blog communities at idinagdag ang aking blog kung saan pwedeng i-link gaya ng ricebowl journal. Dahil dati akong tibak, sumali din ako sa filipinoyouthforpeace at sa tinig.com, na kung saan nakita ko yung blog ni Ederic. Mula doon ay nakita ko yung blog ni sassy lawyer at iba pang pinoybloggers. Dahil sa pulitika ang kalimitang topic ni ederic at sassy, naging madalas ako bumisita doon at paminsan-minsan ay nag-iiwan na rin ng comment. Di nagtagal ay may mga bumibisita na rin sa blog ko at nagulat na lang ako ng makita kong nakalink na pala ang blog ko kay sassy at kay C at na minsan pa nga'y nai-feature nila sa kanilang mga blogs. Isa rin si Tatang REtong sa mga unang pumansin ng blog ko. Kalaunan, marami na akong mga binabalik-balikang mga blogs at yung iba pa nga ay mga pinoy na nasa ibang bansa gaya ni kiwipinay na may flat mate na bombastic dati.
Pero ang pinakamagandang nangyari so far sa aking blogging experience ay yung mapabilang ako sa masayang grupo ng blogkadahan.com-
Blogkadahan is the result of a group of bloggers who banded together to exchange ideas ranging from the serious to the most mundane of topics that can ever be tackled in a day. Initiated by Doc Emer, the group called bloggingberks started out with seven original members. Since then, the group grew and is now composed of some thirty-two bloggers from all over the globe. The biggest contingent can be found in Manila but members can be found in Singapore, USA, Canada, Belgium, Germany, New Zealand, Japan and England.
Mula sa pagiging isang online community, nabuo mula dito ang tunay na pagkakakaibigan sa mga members. At tuwing may magbabakasyon dito sa Pilipinas mula sa ibang bansa, nandyan lagi ang Manila contingent para salubungin sila upang lalong magkakila-kilala. Karaniwan na ang magsalo-salo sa pagkain habang nagkukuwentuhan na malimit ay nauuwi sa halakhakan. Noong nakaraang buwan ay doon kami sa bahay nila batjay at ate jet nagsalu-salo (happy 14th anniversary nga pala ulit). Muli kaming nagkita-kita nang magbakasyon si Ate Sienna mula sa US of A. And I look forward to meeting all of them. Sila yung mga naging instant Tito at Tita ni Sophia. Another reason kung bakit talagang maswerte si Sophia. Pati nga si misis, medyo nagulat dahil may nagregalo kay Sophia ng isang victorian porcelain doll at 'isang sakong bigas'. hehe! Salamat po ulit Tatang Rome. Lalo pa sana kayong pagpalain.
Totoong may mga nagkalat pa rin sa blogosphere na masyadong maraming libreng oras kaya kung anu-ano ang ginagawang hindi maganda laban sa kapwa bloggers. May karanasan din akong di maganda tulad ng mga comment ng ilang fpj supporters at mga loyalist ni GMA. Mayroon ding nangutya pa dahil sa pagsama namin ni Setsu sa lovapalooza. hehe! Pero mas marami pa rin ang mabubuti.
Sa kabuuan kabuuan, masaya ako sa aking blogging experience at mabuti ang naidudulot nito para sa akin.
No comments:
Post a Comment