Mahirap pala talaga magpalaki ng anak. Isa pa lang ang anak ko at hindi pa nag-aaral kinakapos na din ako sa budget. Lalo na siguro kapag nag-aaral na sya. Sabagay, baka naman bago sya mag-aral ay nasa Canada na kami. Sana. Pinag-iipunan ko na kasi yung pambayad sa embassy para sa processing fee.
Lalo tuloy akong humahanga sa aking Inay. Namatay ang Tatay ko 9 na taong gulang pa lang ako, ang Ate ko ay 12 at yung bunso naming si Michael ay 5. Lahat kami ngayon ay nakapagtapos na sa kolehiyo at may mga asawa (tig-i-isa lang) na rin. Kakakasal lang ng bunso namin at nakatakdang sumakay ng barko ngayong Hunyo. Yun ay kung maayos ang medical nya. Sana. Biglaan ang kasal (civil) nya at ang gf nya kasi hindi sila maingat sa paggamit ng kanilang mga aparato. Hindi kasi nagtatanong sa akin eh. hehe!
No comments:
Post a Comment