Saturday, May 14, 2005

Happy Birthday Chippy!

Sino si Chippy?

Schoolmate ko sya sa Sisters of Mary School (SMS). Eh ano ngayon? hehe! Wala lang. Feel ko lang na batiin sya ng happy birthday dito sa blog ko. Bihira na kasi kami magkita eh.

Madalas akong nakakasama dati sa mga gimmick ng mga barkada sa SMS. Pero dahil medyo busy ako ngayon sa maraming bagay, bahira na ako makasama sa kanila. Dati-rati ay halos linggo-linggo kami nagkikita, madalas sa CCP complex para magjogging. Umaakyat din kami ng bundok pero doon lang ako sa Mt. Makulot nakasama. At isa nga si Chippy sa mga enjoy ako na kausap. Lalo na kapag tungkol sa kanyang lovelife (meron ba?) ang pinag-uusapan. hehe! Belib din ako sa kanya kasi, may maayos na syang trabaho ngayon sa isang government agency.

Yung picture sa taas ay kuha sa loob ng Sisters of Mary Campus-Sta Mesa last year. Kagagaling lang namin sa kitchen at namungkal ng makakain. Nagutom kasi kami habang ginaganap ang programa sa gymnasium kaugnay ng foundation day celebration ng school. Kung hindi ako nagkakamali, yung sasakyan sa likuran namin ay yung service ni Cardinal Gaudencio Rosales, na syang nagdaos ng misa.

Happy birthday Chippy!

No comments:

Post a Comment