Mahabang panahon na ang student council namin ay hawak o kontrolado ng school administration. Pero matapos ang ilang taong tuloy-tuloy na kampanya, naipagwagi rin namin yung pagbawi sa student council. Kaya lang yung pangulo namin na kasama sa aming partido (Samasa Party Alliance) ay medyo umiba ng landas sa dapat sana ay napakagandang general program of action ng partido. Naging malimit yung paglabas-labas niya kasama yung mga taga school admin at office of student affairs. Maraming pagkakataon na nilalabag nya yung student government constitution hanggang sa dahil sa pressure namin ay napilitan na ring magpatawag ng student congress. Nasorpresa sya ng biglang may inihaing resolution na nanawagan ng kanyang impeachment. hehe!
Opo, doon sa student government consti namin ay may stipulation hinggil sa impeachment. Pero gaya din ng nangyari kay Erap, hindi rin iyon natuloy dahil sa maniobra ng school admin. Pero sadyang mas makapangyarihan ang kilusang protesta kaya napatalsik din sya. At di nagtagal ay napabuksan na rin namin yung student publication namin na may katagalan nang nakasara. At bandang huli ay napatalsik na rin yung school president na gustong maging president for life.
Ang impeachment process sa aking palagay ay isang political issue more than a legal one. Sa dami ng mga handang humimod sa pwet ni GMA sa kongreso, palagay ko'y mahihirapang umusad yung impeachment complaint. Kung dito lang aasa ang mga nanawagan sa pagpapatalsik sa kanya tatawanan lang sila ni GMA.
Kilusang protesta pa rin ang magtitiyak ng pagpapatalsik sa isang sinungaling, magnanakaw at madayang presidente.
No comments:
Post a Comment