kahapon na lang ulit ako sumama sa rally. Kasi nitong mga nakaraan ay medyo turn off ako sa diskarte ng mga ND orgs. Sa ngalan ng united front work ay laging pinatatampok ang pagsama sa rali nila Cory, Susan, Imee at mga bata ni Erap. Naiintindihan ko naman yung main objective is to narrow down the target - si GMA. Mas magiging madali ang pagpapatalsik kay GMA kung mas malaki ang alyansa laban dito. Hindi naman nanganghulugan na dahil kasama sila sa taktical alliance na ito ay abswelto na sila sa kani-kanilang mga kasalanan sa bayan. Si Cory halimabawa. Nandyan ang Mendiola Massacre. Nandyan ang Hacienda Luisita Massacre. Pero kinakabig pa rin para sumama sa pagpapatalsik kay GMA. Ewan ko ba. Siguro isa ito sa dahilan kung bakit sa kabila ng mga patung-patong na seryosong isyu laban kay GMA ay hindi pa rin bumubuhos ang tao sa kalsada. Ewan ko ba.
Hmm.. kelan kaya ulit makakapagprotesta sa Mendiola? Palagay ko naman ay kaya pa rin itong gawin ngayon. Ito ay sa pamamagitan ng isang "lightning rally". Yung sa isang hudyat ay biglang magtitipon ang mga raliyista sa itinakdang lugar at sabay labas ng mga nakatagong placards at streamers. Nagawa na namin ito dati doon pa nga mismo sa gate ng malacanang na malapit doon sa St Jude Chapel. Gulat talaga yung mga PSG! haha! Kaya lang mukhang mahirap ito gawin ngayon kasi mukhang araw-araw na may pulis na nagbabantay sa MEndiola Bridge eh.
Next major mobilization palagay ko sa Nov 30. Pero maraming nakaiskedyul na kilos-protesta bago ito.
No comments:
Post a Comment