Wednesday, November 30, 2005

Hapi bertday, Ka Andy!

Mukhang tahimik ngayon ang paggunita ng kaarawan ni Ka Andy? Grrr... Nasaan kaya ang mga sangkatibakan? Nang napadaan ako sa Liwasang Bonifacio kanina, wala yung mga bandilang pula. Sa Plaza Miranda naman, nandoon yung mga taga APL/Akbayan. Hmm... wala na talaga ako sa sirkulasyon. hehe! Ang tanging alam ko lang ay may free concert sa UPLB sa pangunguna ng Arrest GMA, grupo ng mga artists na nananawagan ng pagpapatalsik kay GMA.

Bilang paggunita at pagpupugay kay Ka Andy, narito ang isang napakagandang awitin na siya mismo ang may akda-

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala


Ipinagdiriwang din ngayon ng Anakbayan ang kanilang ika-7 taong anibersaryo at gayundina naman ng Kabataang Makabayan ang kanilang ika-41 taong anibersaryo. Kapwa nila ipinapagpatuloy ang mga adhikain ni Ka Andy. Pero hanggang kailan kaya ito makakamit? Ilang buhay pa kaya ang malalagas para dito? Ilang Palo Leyte Massacre pa kaya ang mangyayari?

No comments:

Post a Comment