Friday, January 11, 2008

Little Miss Money Contest

My contest daw sa iskul ni Pia - "Litlle Miss Schools Name". Paramihan ng mabebentang tiket. Akalain mo ba namang si Pia ang piniling representative ng class nila! Syempre pa, pinasabihan ko ang titser ni Pia na ayaw ko ng ideyang yun. Kung skills contest pa siguro yun, walang problema.

Usong-uso ang mga ganitong raket sa mga eskwelahan. Madalas nga ako mabigyan ng mga envelope or tikets para daw sa anak nila na kandidato. Syempre pa hindi ako nagbibigay kasi madalas akong walang pera ayaw kong maging bahagi ng raket na yun. Wala ako magagawa kung sumasama loob nila.

At ngayon nga, si Pia pa ang gustong gawing kandidato? Ok lang sila? hehe!

Mahaba-habang paliwanagan ito kay Pia. Kailangang maintindihan nya kung bakit ayaw ko na sumali sya sa contest na yun; na ang mga ganitong raket ay talamak dahil ang edukasyon ngayon ay mistulan na lamang isang kalakal na ginagawang negosyo.

5 comments:

  1. you go, apol! boto ako sa iyo diyan. i cringe when i see all those made up dolls at the little miss philippines contest, much as i love eat bulaga. (hellooooooo, aizaaaa!)

    ReplyDelete
  2. ay oo naman!!!

    ok lang kung skills or intelligence contest... kahit nga siguro beauty contest eh... pero yung bentahan lang ng tikets, ano ba!

    ang matuturo mo lang sa anak mo nyan eh magbenta ng tickets... or mamili ng tikets... pero anong relate non sa character?

    unless si Pia pagbibentahin mo ng tikets at sya paiisipin mo ng gimik kung talagang gusto nya siguro...

    ReplyDelete
  3. speaking of aiza, dami nagsasabi kahawig daw ni pia si aiza. hehe!

    Mismo, Mec, mismo! :-)

    tsaka kalimitan sa mga ganyan, fund raising daw para sa school, improvemnet ng facilities. point ko namanm, eh di ba kaya nga may tution? tsk!

    ReplyDelete
  4. hi apol, ang tagal ko ng hindi nadalaw. Ang ganda ng bagong design ng blog mo :)

    At my, ang laki na ni Pia mo. Ang ganda pati. Nagdadalaga na :)

    ReplyDelete
  5. Maligayang pagbabalik, JMom! At maraming salamat. :-)

    ReplyDelete