Friday, February 22, 2008

DCPS Preparation

Noong nasa accounting department pa ako, isa sa paborito kong trabaho ay ang paggawa ng Daily Cash Position Statement (DCPS) Report. Araw-araw ko ito ginagawa at pagkatapos ay ipinapadala ko sa boss kong nasa ibang bansa. Kinakabahan nga ako dati tuwing mag-uutos sya na maglipat ng pera papunta sa account nya sa abroad. Akala ko kasi lagi ay magsasara na ang kumpanya. :-)

Bakit ko naman ito biglang naalala?

Wala lang. Naisipan ko kasi gumawa ng personal kong dcps para maging maayos ang pagbabadyet. Mahirap na, lumalaki na si Pia at lumalaki na ang gastos. Katunaya'y mas malaki ang kailangan kong ihanda para sa susunod na pasukan. Ililipat kasi namin sya sa mas maayos na school.

Matatapos na sya sa Nursery ngayong March at mukhang sya ang First Honor.


Noong first quarter ay wala syang award. Lagi kasing absent. Napasama naman sya sa Special Mention noong 2nd quarter at nitong nakaraang quarter ay nangunguna naman sya sa Principal's List. Kapag napanatili nya mga grades nya ngayong 4th quarter, malamang ay sya ang First Honor!

Iba na talaga ang may pinagmanahan. hehe!

No comments:

Post a Comment