Labing-tatlong taon na ang nakakaraan, nakaupo kami sa may Tutuban (tambayan ng mga tibak sa piko) habang hawak-hawak ko ang kamay nya, nagpahayag ako ng nararamdaman para sa kanya. Labis nya iyong ikinagulat kasi mula sa pulitika ay naging personal ang usapan. Sinagot nya ako noong araw na iyon kaya naman ang saya ko.
And as they say, the rest is history.
Kaya lang, may ilang bagay pa na kailangang bakahin ngayon para maging maayos ang lahat. Medyo mahirap pero syempre, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa.
I refuse to call it over. Not yet.
Setsu, this for you.
Kundiman
The Jerks
Di mo man ako ibigin
paulit-ulit kong sasabihing
Mahal na mahal kita
Sakali mang ako'y kamuhian
ilang beses mo mang iwanan
Mamahalin pa rin kita
Ku'di man sa kasalukuyan
maaring sa kinabukasan
Mamahalin mo rin ako
kung di man magkatotoo
Ang pinapangarap ko
Sa iyo pa rin ang puso ko
Di man dumating ang araw
Na makita ko ang ilaw
sa iyong mga mata
Mahal pa rin kita
Di man tumigil ang ulan,
pagtaguan man ng buwan
Mamahalin pa rin kita
Kun'di man tanggapin ang awit
Nitong pusong lumalapit
di amo mamimilit
Wag ka sanang magagalit
kung ako'y paulit-ulit
Hanggang dito na lang
-- bukas uli
*Alumni gathering ng SAMASA-PCU mamaya. Kapag maaga natapos sa trabaho, baka humabol ako.
hay pag ibig:)
ReplyDelete