Mahal mo ga ang Cuenca? Gusto mong umunlad ang ating bayan? Ngayong eleksyon, mag-isip kang maigi kung sino ang gusto mong mamuno sa ating bayan.
Bakit di umuunlad ang Cuenca?
Ang nakagisnan kong kalakaran sa Cuenca tuwing eleksyon ay iyong matandaan. Kung sino ang tumatayong lider ng angkan, grupo at barkadahan ay siyang pinakikinggan kung sino ang iboboto. Kaya naman ang mga kandidato ay sila ang unang nililigawan. Bagama't nangyayari pa rin ito ngayon, hindi na ito kasing epektib gaya noon.
Karaniwan na rin ang pagboto sa kandidato dahil ipinakiusap ng kumpare, kaibigan o kamag-anak.
Yung paggamit ng pera, noon pa naman ito pero mukhang mas talamak ngayon.
Sa palagay ko, itong padale nating ito tuwing halalan ang isang dahilan kung bakit di umuunlad ang Cuenca. Naghahalal tayo ng mga kandidatong wala namang malinaw na programa.
Kilatisin natin ang mga kandidato ngayon.
Noong March 19, 2019, naisipian kong kausapin ang mga kandidato bilang Mayor sa Cuenca Batangas. Nagtanong ako tungkol sa programa nila. Ikako'y gusto kong malaman kung sino ano ang balak nila kapag nanalo para makapagdesisyon ako kung sino ang iboboto at ikakampanya.
Sa tatlong kandidato, si Melvin Cuevas lamang ang tumugon. Ilang beses syang tumawag para ipaliwanag ang plano nya Ikako'y mas magandang nakasulat ang detalye. Agad din naman nyang isinulat at ipinadala sa akin at ibinahagi ko sa aking FB wall.
Kinulit ko yung dalawa pang kandidato. Yung isa hanggang ngayon ay dedma lang. Yung isa naman ay mukhang napikon pa. Kung kandidato ka pa nga lang ay nagtataray ka na, medyo hindi magandang senyales yan.
Bagamat hindi tumugon ang dalawa, sinikap ko pa ring alamin kung ano ang kani-kanilang programa. Ginawan ko ng comparison.
In a nut shell, ganito ang plano nila:
- Faye Endaya: Ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanyang Ama
- Alex Magpantay: Isang maunlad at progresibong Cuenca ang bisyon ni Alex Magpantay. Gagawing sentro ng lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan at interes ng mga tao para sa pag-unlad ng bawat pamilyang Ceunquenos. Bubuo ng pamahalaang bukas at madaing lapitan, kumukonsulta at nakikinig, epektibo at may pananagutan.
- Melvin Cuevas: Until now our beloved town of Cuenca is still a 4th class municipality. Nasa mababang antas pa rin ang bayan natin. The core problem of our town is lack of funds that is why the local govt cannot possibly deliver the public services that is expected from them. My focus or priority is to bring investors to our town.
Si Melvin Cuevas ang aking iboboto st sisikaping ikampanya
Sa tatlong kandidato, si Melvin Cuevas lamang ang walang kaugnayan sa aming pamilya. Hindi ko sya kilala. Pero dahil sa tatlong pagpipilian ay siya ang mas may komprehensibong plano, sa kanya ako tataya.
Nasapol nya ang isang malaking problema sa Cuenca - Pondo. Meron syang plano! Sabi ng iba, imposible daw ang gusto nya gawin. Ang sagot ko sa kanya ay, "Utoy, kung hindi mo kaya, hayaan mong gawin ito ng iba na gustong subukan. Kapag nagawa nya ito, makikinabang ang marami'
Kapag sya ang nanalo, medyo babantayan lang din ang planong ecotourism. Mahalaga ang konsultasyon sa mamamayan.
Babantayan din dapat ang plano sa palengke. No to privatization!
Medyo alangan lang din ako sa pag-align nya sa PDP na bagama't naiintidihan kong usapin lang din ito ng makinarya, babantayan ko rin ang tindig nya sa anti-poor na war on drug, human rights violations, etc.
Sa mga nagmamalasakit at nagmamahal sa Cuenca, pag-isipin nating maigi kung sino ang iboboto. Iboboto ko si Melvin Cuevas dahil nasapol nya ang isang malaking problema sa Cuenca - Pondo! Meron syang plano!
Ikaw, sino ang iboboto mo? Bakit?
No comments:
Post a Comment