Saturday, February 05, 2005

What's waiting for Immigrants in Canada?

May comment si Ina sa previous entry ko na ginwa kong paksa sa enrty kong ito ngayon. Nasa Canada sya ngayon at medyo frustrated sya sa job situation doon. Ganun din ang kaso ng Canadian hubby nya na isang certified HS teacher. Inilalarawan nya sa entry nyang ito ang sitwasyong karaniwang kinakaharap ng mga newly landed immigrants sa Canada. Mahirap maghanap ng trabaho, lagi kang hahanapan ng Canadian experience kung gusto mong mag-apply sa trabahong linya mo. Pero paano ka nga naman magkakaroon ng canadian experience kung di ka nila tatanggapin? Parang yung catch 22 ni unkel batjay. hehe!

Pero bakit madami pa rin ang mga pinoy na gustong pumunta ng Canada?

Para sagutin ito, kailangang suriin muna natin ang kalagayan (ekonomiya, pulitika, seguridad, benepisyo mula sa gobyerno, etc) dito sa pinas at ikompara ito sa Canada. Kung dito natin sisimulan, natitiyak kong malinaw naman ang diperensya. Sabi nga ni Moonyeen, kumpara daw sa kalagayan nila ngayon sa Saudi, paraiso pa ring maitutring ang Canada.

Maraming may mga magagandang hanapbuhay na dito sa Pinas ang pinipili pa ring mag-migrate sa Canada, lalo na yung may mga anak. Karaniwang dahilan nila ay hindi daw ito para sa kanila, kundi para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Pero ano nga ba ang mga naghihintay na benepisyo pagdating sa Canada? Isa-isahin natin.

Kung dito hirap ka sa gastos sa pagpapalaki ng mga anak, sa Canada may Child Tax Benefit. Itoy isang buwanang allowance na ibinibigay ng gobyerno bilang tulong sa pagpapalaki ng anak. Ang halaga ay depende sa income ng pamilya. Libre ang edukasyon mula sa elementary at secondary school at may mga programa naman para sa college or university degree. May maayos na social insurance system na hindi katulad ng SSS natin na kung saan-saan napupunta ang pondo. May maayos na medicare at health care system na funded ng gobyerno sa pamamagitan ng mga buwis. Hindi nakakapanghinyaang ang magbayad ng buwis kasi nga alam kung saan napupunta at di tulad dito sa Pinas na ang gobyerno ay pinamumugaran ng mga corrupt officials. May unemployment benefits pa nga kapag ikaw ay nawalan ng trabaho. Ilan lang ang mga ito sa mga benefits na naghihintay sa Canada. Read them all here.

Yun yung positive side. Syempre hindi mawawala ang discrimination doon. Kung dito nga ay may mga pinoy na nagdi-discriminate sa mga kapwa pinoy eh. At hindi naman talaga ganun kadali ang maging newly landed immigrant sa Canada. Mahirap makahanap ng trabahong kinasanayan mo lalo na nga at kung managerial na ang posisyon mo dito sa Pinas. Karaniwan na ang magsisimula ka muna sa mga entry level jobs. May kliyente ako na engineer dito pero pagdating doon ay nagjanitor muna. May sariling bahay at lupa na sila ngayon. Pero may mga sinuswerte naman na maayos kagad ang nagiging trabaho.

Tulad nitong isang kliyente na kinumusta ko kamailan lang:
Halos lahat ng mga kasamahan ko dito e swenerte na ren nakakuha ng kani-kanilang linya yong bagong dating nga lang kapapasok lang sa Concord Elevator, bale production designer, 'Yong 2 sa Orion Bus Comp., Design Engr. sila. 'Yong 2 pa sa Piping Design naman...

Medyo pinakamalamig ngayon is negative 32 windchill...negative -23 normal temp. noon. Bawat araw nag babago naman temp. di naman lagi malamig, minsan 5 degrees high temp. pag winter. Pero oks lang naman dahil di na ako nag co-commute hehe. Kumuha na me ng new car kasi..Sa summer mas masaya.

Totoo pala 'yon na madali ma-tupad ang gusto mo dito. compare sa Pinas.
Kaya...Tara na dito na Tayo...hehe, Tiis na lang na di makita ng matagal ang mga kamag-anaks...'yon lang.


Pero eto namang kabayan ko na nagland sa canada noong sept 2004, under agency pa rin ang trabaho:
Im working,thanks God, though hindi pa permanent at hindi pa sa professin ko. Under agency ang job ko and sa knaila,nakailang palit na ako.kasi kung may slowdown dun sa area of assignment ko,ililipat ako sa ibang Co or pwedeng sa ibang agency na lang ako magsign up at humanap ng trabahao. Hindi pa kasi ako makakita or matawag sa ilang company direct na pppication ko. I had the very first job interview sa QA/QC Lab tech na inapplyan ko.nakaabot ako ng 2nd interview pro di ko alam sino nakuha nila. Malaking tulong kung may magrerefer na kakilala sa isang company para mahire minsan or most of the time.


May kliyente naman ako na nagtatrabaho dati sa Globe na bumalik ng Pilipinas kasi nagkasakit yung anak, di daw kinaya lamig. May mga bumalik din dahil na homesick. Maganda nga siguro sa Canada, pero syempre hindi naman lahat ay para sa Canada....

No comments:

Post a Comment