Totoo naman na kung magpapatuloy ang ganitong kaayusan - sunod-sunuran ang Malakanyang sa utos ng IMF at Washington - wala naman talagang mangyayaring maganda sa Pilipinas. Kung patuloy na mababansot ang industriyalisasyon sa Pinas, patuloy lang tayong magiging supplier ng mga raw materials parsa sa mga Industriyalisadong bansa. Patuloy ang krisis at ang paghihirap sa bansa. Bagay na nagiging dahilan kung bakit maramng nagugutom at naghihirap. Bagay na kung bakit marami ang gustong umalis ng bansa.
Pinagtatawanan nga ako ng isa kong kaibigan. Noong nasa college pa kasi kami, paulit-ulit kaming nagpapaliwanag sa mga kapwa mag-aaral at sa mga manggagawa tungkol sa kalagayang panlipunan. At laging kasunod nito ay ang pagtalakay sa posibleng solusyon - ang makibaka para sa pambansang demokrasya. Pero ngayon daw ibang solusyon na ang ibinabahagi ko - ang mag-migrate sa Canada. Pero kahit paano naman, tinutukoy ko naman ang ugat ng lahat ng ito - ang nabubulok na sistemang kapitalismo. Pero hindi tungkol dito ang paksa ko ngayon. =)
Saan ko man tingnan, hindi ko talaga masisisi ang mga Pinoy na gustong lumabas ng bansa upang doon na manirahan. Sa dinami-dami na ng mga kliyenteng na-assist ko na nasa Canada na ngayon, wala ni isa man sa kanila ang nagsisisi dahil nag-migrate sial sa Canada. May mga maaayos na silang hanapbuhay ngayon at tiyak na may pinatutunguhan ang mga buwis nila. May mga nahirapan ding mag-adjust at tila nagsisisi noong una pero bandang huli ay ok na rin naman. Yun yung mga matataas na ang posisyon dito at nahihirapang tanggapin na magsisimula ulit sila sa mga entry-level jobs.
Maituturing bang pagtakas sa problema ang pag-migrate sa Canada? Para sa akin ay hindi. Bagkus, sila ay mga biktima lamang ng sitwasyon sa Pinas. Sino ba naman ang magnanais na malayo sa mga kamag-anak, kaibigan at iba pang mahal sa buhay? Sa kaso ko na lang, 1998 pa ako nagtatrabaho sa CIC at marami-rami na rin akong mga dating kaopisina ang doon na naninirahan ngayon sa Canada. Bakit daw ayaw kong mag-apply? Ang sabi ko noong una, mas masarap pa rin ang manirahan dito sa Pinas. Pero nakatakda na rin akong mag-file ng application sa Canada ngayong taon. Pero kung matuloy man yun, sisiguruhin ko namang babalik at babalik pa rin ako ng Pinas at babaybayin kong muli ang palibot ng Intramuros.
No comments:
Post a Comment