Naging maganda ang resulta ng miting ko kay boss kanina. May bagong bisnes syang bubuksan sa makati at ako daw bahala sa marketing at ilang admin function. Isang canteen/sports bar na 24/7 ang operation at isang internet and live music lounge. Pinag-usapan din namin yung posibilidad ng pagbubukas ng branch ng
Canadian Immigration Consultancy sa Batangas na ako nga raw ang mamamahala. Malaking break kung tutuusin, kasi maganda yung profit sharing system nya. Pero sabi ko I need time to prepare. Di ko palalampasin yung opportunity na yun. Bago matapos ang 2nd quarter of this year plano kong simulan yung Batangas operation. Sabi nya naman ay sabihin ko lang sa kanya kung ready na ako. Pag nagkataon, sa Batangas na rin ako maninirahan! Yahooo!
Samantala, tututukan ko muna yung Makati project nya. Madugong preparasyon to kasi di naman talaga ako sanay sa marketing. Pero lakasan lang ng loob yan palagay ko. Bago matapos ang aming usapan, isiningit ko yung salary increase ko. Matagal-tagal na rin akong walang increase. Pumayag naman sya pero yun nga lang, di kasinglaki ng inaasahan ko. Kung tutuusin ay ok na rin naman, pero iaapila ko pa rin, baka sakali.
Mukhang magiging maganda ang 2005 para sa akin. Puwera usog... =)
No comments:
Post a Comment