Monday, July 10, 2006

30 yrs old na ako!

Salamat po sa mga bumati sa akin noong biyernes, bertday ko at 30 yrs old na ako! whew! tanda ko na. haha!

Balak ko sanang idaos ang aking bertday kasama si Pia. Uuwi sana ako sa Pangasinan para ipasyal sya. Kaya lang, isinugod naman si Pia sa ospital noong miyerkules ng hapon, ang taas kasi ng lagnat at hindi nagkakakain. Acute toncilitis daw at may bronchitis din. Kaya ayun, napasugod ako sa Pangasinan ng mas maaga kaysa sa plano kong pagbisita doon sa bertday ko noong Biyernes. Pero ok na naman sya ngayon, lumabas na sya ng ospital noon pang Sabado ng umaga. Mabuti na lang at may maxicare si Pia kaya wala ako binayaran sa ospital.

Tuwang-tuwa ang mga nurse an nag-asikaso kay Pia. Ang daldal kasi at hindi man lang umiyak noong una syang kinabitan ng dextrose. Hindi rin hadlang ang dextrose na yun sa kanyang kakulitan. Kaya ayun, imbes na mamasyal sana kami ni Pia noong Biyernes ay nagkulitan, naglaro at nagkwentuhan na lang lami maghapon sa ospital.

At ngayon nga, 30 yrs old na ako. Ang tanong ngayon ay saan ako tutungo mula dito? Mayroon na akong 5-year plan mula ngayon. Pipilitin ko itong magawa. Goodluck sa akin!

Samantala, niregaluhan ko naman ang aking sarili ng bagong phone at koleksyon ng mga novela ni F. Sionil Jose (installment ko nga lang bibilhin, sinumulan ko sa PO-ON. hehe!) -

3 comments:

  1. ei mahal kong lolo!
    happy happy birthday..
    kung san ka man patungo mula rito, lagi mo tatandaan na may isang niko na lagi lang nandito para sayo!
    at.. 30 ka na pala? grabe nashockED ako! d halata!! :)

    ReplyDelete
  2. happy birthday ulit, my prenship!!! i'm glad that pia is out of the hospital. ganyan ata talaga ang mga bata, my prends, susceptible sa sakit. pero at least magaling na sya. yun ang importante. yun ang pinakamagandang birthday gift. (pero ok din yung bday gift mo sa sarili mo, ah!)

    ReplyDelete
  3. eh kahit hindi ka naman tumuntong ng 30, mukha ka naman talagang 30 nyahahaha joke, joke...

    ReplyDelete