Monday, May 29, 2006

Life after Sisters of Mary School

Update: We're raising funds for the Sisters of Mary School.

Apat na taon kang nasa loob ng campus kung saan nandonan rin ang dormitoryo; hindi pwedeng manood ng mmga palabas sa TV; pili lang ang mga pelikulang pwede panoorin; dasal pagkagising, bago at pagkatapos kumain, bago matulog at araw-araw na pagdadasal ng rosaryo; sangkatutak na basketball courts; swimming pool, malawak na garden kugn saan pwede kang magtanim; libreng high school education, extensive vocational training, libreng pagkain, 2 weeks na bakasyon taun-aton; mga madreng nangangalaga at nagsisilbing magulang...

Sa simpleng pagsasalarawan, yan ang mundo sa ng mga estudyante ng Sisters of Mary School. Kaya matapos ang apat na taon, talagang maninibago ka paglabas mo. I belong to the 4th batch of students who graduated from the Sisters of Mary School. That was 13 years ago. Ang mga magtatapos ngayong taon ay 18th batch na. Ang tanda ko na talaga!

Nandon ako sa Silang Cavite campus noong Lingo dahil isa ako sa mga facilitators sa ginawang "Life After Sisters of Mary School Orientation". Proyekto ito ng aming Alumni Association at ito ang kauna-unahang pagkakataon na isagawa ito. Naimbitahan ako bilang isa sa mga facilitators at syempre, tuwang-tuwa ako. Ang totoo, ang dami ngang gusto mag-volunteer. Masarap sa pakiramdam na magbahagi ng karanasan para magsilbing inspirasyon at gabay sa kanila. Maswerte sila kung tutuusin dahil noong panahon namin, hindi talaga kami handa.

Kung susumahin, tatlo lang naman talaga ang kinahahantungan pagkatapos ng buhaysa Sisters of Mary School - magtatrabaho, magpapatuloy ng pag-aaralsa kolehiyo, magmamadre o magpapari. May ilan din namang kulang sa diskarte na uuwi na lang probinsya at tatambay na lang. Ang mga madreng namamahala sa school ang siya na ring naghahanap ng trabahong mapapasukan ng mga graduates. Binibigyan pa nga sila ng allowance at inihahanap ng matitirahan. Hindi ganun kadali ang matanggap sa trabaho una dahil sa edad. Pero sa totoo lang, kung skills din lang naman ang pag-uusapan, busog dito ang mga SMS graduates - dressmaking, Autocad, bookkeeping, automechanic, ref and aircon technology, electronics, driving lesson at iba pa. Layunin kasi ni Fr. Al na matapos ang apat na taon ay makapagtrabaho na ang mga magtatapos dito upang makatulong sa kanilang mga pami-pamilya. Ang mga tinatanggap lang kasi sa eskwelahang ito ay mga galing sa mahihira na pamilya. Kailangan lang syempre na makapasa sa entrance exam at may mataas na grades sa elementary. Sa kasalukuyan ay may apat na campus ito sa Palipinas - 2 sa Silang Cavite at 2 sa Cebu. Mayroon din namang mga campus sa Korea, Mexico, Brazil at Guatemala. Pagka-graduate ko sa SMS, nagtrabaho muna ako bago nagpatuloy sa college.

Balik ako don sa orientation.

Ang topic na ibinigay sa akin ay tungkol sa college education. Huwag ko raw turuang sumama sa mga rali, sabi ng kapwa ko facilitator. hehe! Ang totoo nito, nagkwento lang ako ng karanasan ko - kung bakit nagpursige akong makatapos ng college, mga suliraning kinaharap, ang kahalagahan nito at syempre mga useful tips tungkol sa mga eskwelahang pwede pasukan, mga scholarship programs na availble, paano i-handle ang peer pressure, etc. Ang sarap sa pakiramdam dahil kitang-kita ko kugn paano nila na-appreciate ang orientationna iyon. Sunod-sunod ang "salamat po kuya" na naririnig ko. Muntik na tuloy ako mapaluha. hehe!

Here he goes again...

Justice Secretary Raul Gonzalez said on Friday that the Department of Justice had erred in ordering the release of all five supporters of ousted President Joseph Estrada who were seized on May 22 in controversial circumstances.

One man, Ruben Dionisio, 60, should have been kept in detention given the strong case of rebellion against him, according to Gonzalez.

“That guy should not have been released. The problem is when it was announced that the four would be released, [Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco] thought all would be released,” Gonzalez said.

He said that “in the complexity of things that have been happening,” only Virgilio Eustaquio, Jim Lucio Cabauatan, Dennis Ibuna and PO3 Jose Justo Curameng should have been freed on May 25.

At 1 p.m. of that day, Velasco announced that he had ordered the release of the five men, to allow them to seek legal counsel and prepare for a preliminary investigation.

Three hours later, Gonzalez called the Inquirer to say that it was he who had ordered the release because he felt that the evidence against the five might “not be sufficient to declare probable cause.”

The five men were released at about 7:45 p.m.[inq7.net]

Pambihira! Paano kaya mag-usap ang mga taong ito sa DOJ? Senyasan lang? Text messaging? Usapin ng pagpapalaya ng mga pinaparatangang banta sa buhay ng presidente at cabinet secretaires, makakalaya dahil sa maling akala? Tsk!

Gonzalez also expressed surprise why Dionisio, who claimed to have been tortured while in detention, had left the Philippine National Police Hospital.

“He was placed in the hospital in Camp Crame precisely so doctors there can establish whether he was tortured. But he left right away after his release,” Gonzalez said, adding: “A normal person would have stayed to get a medico-legal report.” [inq7.net]

Uhm..Kahit naman ako itong dinukot ng militar, tinortyur at dinala sa ospital na impluwensado din ng mga dumukot sa akin, aba, aalis din ako doon kapag may pagkakataon. Tsk! Kung ang pagiging normal ay pagiging katulad ni Sec. Gonzales kung bumanat, parang mas ok maging hindi normal.

Thursday, May 25, 2006

Killing me softly

Kakatapos lang naming mag-usap ni Pia sa telepono. Wala na yung dating sigla nya sa pakikipag-usap sa akin. Dati pa nga, bungad nya kagad sa akin sa telepono ay "Daddy, miss na kita!" Noon, lagi kong naririnig na nagmamalaki sya tuwing kausap ako sa phone. "Daddy ko 'to!" Yan ang madalas nya sabihin sa mga nakapaligid sa kanya tuwing kausap ko sya sa telepono. Mahigit isang buwan ko na syang hindi nakikita. Pakiramdam ko'y ang layo na ng loob nya sa akin. It kills me.

Tuesday, May 16, 2006

At sya'y nagbalik...

May nakapagbalita sa akin na nagbalik na raw ang dati kong kasama sa paglalakbay sa kabalintunaan ng buhay, si b. At ilang buwan mula ngayon ay maglalayag siya sa malawak na karagatan at haharapin ang panibagong yugto ng kanyang pakikipagsapalaran sa buhay. Magkaiba na ang aming lalakbayin mula dito. Magkita man kami o hindi pag dating namin sa dulo, hangad ko pa rin ang kanyang kaligayahan. Nawa'y maging mapayapa ang kanyang paglalakbay, hindi tulad ng nangyari sa akin.

Maligayang pagbabalik, b!

Monday, May 15, 2006

Kung bakit ayaw kitang kausapin...

Hindi sa natatakot ako makipag-usap sa'yo.

Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay paligsahan pa rin ang tingin mo dito. Ang malala pa nito, tila ba galak na galak ka dahil sa iyong pakiramdam ay ikaw ang nagwawagi sa paligsahang iyong kinagigiliwan.

Ang totoo, hindi pa talaga ako handa makipag-usap sayo. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin lubusang matanggap ang sinapit ng ating mga binitawang pangako. Ang pakikipag-usap sayo tungkol sa mga bagay na gusto mong pag-usapan ay tinitingnan ko bilang pagsuko at paglalagay ng tuldok sa ating mga nasimulan. Oo, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa magagandang bagay na maaari pang mangyari.

Hindi ko pa rin lubusang natatanggap na bahagi ako ng karimlang nakaambang bumalot sa sana ay maliwanag na umaga na sasalubong bagong usbong na punlang pinagtulungan nating diligan. Hanggang ngayo'y umaasa pa rin ako na may magagawa pa rin tayo upang masiguro ang maayos na paglago nito. Ang kailangan lang nating gawin ay bungkalin ang lupang kinalalagyan nito at bunutin ang mga damong ligaw sa paligid nito na umaagaw sa mga sustansyang dapat sana'y sa kanyang mga ugat lamang napupunta. Ang pakikipag-usap sa mga bagay na gusto mo ay pag-iimbita ng mga mas marami pang damong ligaw.

Subalit hindi man ako makipag-usap sa'yo sa ngayon, titiyakin ko naman sayo na patuloy pa rin ako sa pagbubungakal ng lupa, sa pagdidilig ng punla. At kung hindi ka mapigilan sa pag-imbita pa ng mga damong ligaw, lumayo ka ng kaunti sa punla at pabayaan mo itong yumabong ng malaya.

Pero huwag kang mag-alala. Sa tamang oras at pagkakataon, mag-uusap din tayo.

Saturday, May 13, 2006

BBH Makati Originals

Read between the laugh. Kapag may nagtanong at sinagot ka lang ng ngiti, tawa o bungisngis. Bahala ka nang umunawa kung ano ang ibig sabihin nito. (kaninang umaga ko lang ito naimbento habang nagkukwentuhan kami nila binx tungkol sa bf ni Chippy.)

Don't judge the book by its movie. Ilang beses na ba kayong nakapanood ng pelikula na hango sa isang novela? Madalas ba kayong nadidismaya dahil mas maganda ang nasa libro? At kung mas nauna nyong panoorin ang pelikula at di nyo ito nagustuhan, subukan nyo pa ring basahin ang nobela. (madalas itogn masambit tuwing nanonood ng DVD sa bahay)

Kapag nangati ang iyong kamay, magkakapera ka. Kapag nangati ang iyong paa, magkakaroon ka ng alipunga. Noong isang gabi kasi, kamot ng kamot si Chippy sa kanyang paa. Makati daw. Sabi ko may pamahiin na kapag ang palad ang nangati, magkakapera daw. Paano daw yun, eh paa ang nangangati sa kanya. Sabi ko naman, malamang ay magkakaroon sya ng alipunga.

Thursday, May 11, 2006

Big Brother House sa Makati

Nakatira ako ngayon sa sa isang apartment sa Makati. Lima kaming magkakasama sa bahay, tatlong babae at dalawang lalaki. Lahat kami ay graduate ng Sisters of Mary School (SMS). Hindi kami magkakabatch, nagkakila-kilala na lang kami dahil sa alumni association namin. Sa totoo lang, marami ang nagtataka kung bakit ganoon ang bonding namin samantalang ang nagkokonekta lang naman sa amin ay ang eskwelahang pinanggalingan namin noong high school. Ewan ko ba, iba kasi talaga ang bonding ng mga anak ni Fr. Al.

Si DnP. Accountant. Matagal ko na rin syang ka-chat bago pan kami nagkasama-sama sa bahay. Isa sya sa mga nakakausap ko sa mga problema, ganun din naman sya. Dahil mas gusto nyang nasa bahay na lang kaysa sa maglakwatsa, ang bansag ng iba sa kanya ay manang maria clara. Graduate na daw sya sa mga gimik-gimik. Seryoso at may strong determination. Sabi nila mataray at suplada, pero hindi naman. Hindi lang talaga nila masakyan ang trip ni lola.

Si Zig. Pambato ito sa basketball. Magaling din makipag boxing. haha! Laging wala sa bahay at gabi na kung dumating. Sabi nya ginagabi daw sya sa trabaho. Pero duda naman kami minsan kung sa trabaho talaga ginagabi. Accounting graduate din sya.

Si Binx. Ah, isang certified call girl. Dati syang titser pero dahil mas mukha syang estudyante kaysa sa kanyang mga tinuturuan, nagpasya na lang na sa call center magtrabaho. Habang kaming apat ay nasa trabaho, sya naman ay natutulog sa bahay. At dahil nga panggabi sya, sya ang nagluluto ng aming hapunan. Siya rin ang tagapamalengke namin. Yun ay kung wala syang sumpong. Masarap magluto at hindi takot mag-eksperimento. Pinakamaingay lagi. Pinakamakulit. At maluffet kapag na in-love talaga. hahaha!

Si Chippy. Uhmm.. never been kissed, never been touched. Pinakamaselan sa gamit. Sosyal daw sabi ni Binx. Pero ginulat kaming lahat sa Kenny Rogers muffin challenge. Di ko ikukwneto dito kung ano ginawa nya baka magalit. haha! May umuugong ngayong balita na may BF na daw sya. Bagay na ikinagugulat ng lahat ng aming kakilala. Ang hindi nila alam, matagal na sana syang may bf. Masyado lang daw mabilis ang lalaking yun kaya umayaw sya. Muntik na daw kasing gumuho ang mundo nya sa nangyari. Hinawakan daw ang kanyang kamay.

Madalas kaming may bisita sa bahay, mga graduate din ng SMS. Kwentuhan, nanonood ng DVD, kumakain at syempre nag-inom. Hindi pwedeng walang inuman basta't nasa bahay alin man kina F7, Bugoy at Euo. Kagabi, nag-inom kami nila F7 at Euo. Pero hindi naman ako masyado uminom una dahil ayaw ko ng red horse at pangalawa, gusto kong matulog ng maaga. Kung hindi nga lang nag-e-emote si F7 at Euo, hindi talaga ako iinom.

Hati-hati kami sa mga gastos sa bahay, pati na sa linguhang pamamalengke. Para kaming nasa Big Brother House. Ako ang pinakamatanda kaya ako daw ang Big Brother. haha! Ako ang tagapaghanda ng almusal at tagalabas ng basura tuwing umaga.

Malaking bagay na nakasama ako sa grupong ito. Madalas ang tawanan, biruan at kwentuhan. Bagay na kailangang-kailangan ko sa ngayon. Sana lang, huwag munang mag-asawa si Chippy para matagal pa rin kaming magkasama-sama.

Tuesday, May 09, 2006

May naniniwala pa kaya kay DOJ Sec. Gonzales?

Sa totoo lang, tuwing makikita ko sya sa TV, di ko maiwasang mapangiti at mapatawa kahit di pa man sya nagsasalita.

Aba naman, saan ka naman nakakita ng DOJ secretary na talo pa si Cristy Fermin kung kastiguhin ang target nya. Una sina Kris Aquino at Cory. Tapos hindi rin pinalampas si Susan Roces. Pati nga yung nanay ng biktima ng panggagahasa sa Subic na kinasasangkutan ng mga sundalong kano, di rin pinalampas.

At syempre, di nya rin pinalampas ang Batasan 5. Ikinumpara nya pa nga sila Teddy sa Voltes V na mabilis namang sinagot ni Teddy. Kung ang Batasan 5 daw ay ang Voltes V, si Sec. Gonzales naman daw ay si Zuhl. Natawa ako kasi tandang-tanda ko pa hitsura ni Zuhl.



Baka naman itanong nyo pa kung sino sa dalawa si Zuhl?

Friday, May 05, 2006

Doctor, doctor, I am sick...

Galing ako kanina sa San Juan de Dios Hospital, kinuha ko yung reslta ng x-ray ko. Dapat nga ay last week ko pa yun kinuha kaya lang ay tinamad ako. Normal pa rin naman pala ang lungs ko. Hindi na ako tumuloy sa aking doktora para ipakita ang resulta. Normal naman kasi. Tsaka tinatamad talaga ako at medyo inaantok. Nakatatlong moovie (DVD) kasi kami kagabi.

Nagpacheck up ako last week dahil may katagalan na rin ang aking ubo. Kinakantyawan na ng ako ng mga housemates ko, magpalitrato na daw ako para may pang display na ako sa burol. hehe!

Worried si doktora kaya pina-xray nya ako. Niresetahan nya ako ng pagkamahal mahal na antibiotic at gamot sa ubo. Hindi na ako masyado inuubo ngayon pero napalitan naman ng sipon. Siguro mga isang libo rin nagsatos ko kung nagkataong wala akong maxicare card. Hirap talaga magkasakit. Pero may maxicare nga ako, almost P2,000 pa rin naman ang nagasatos ko sa gamot!

At dahil wala namang kakaiba sa lungs ko, palagay ko ay kalamansi juice lang ang katapat nito. Hmmm.. makapagbakasyon kaya kahit mga isang linggo lang. Bahala na si Batman.

Wednesday, May 03, 2006

First time sa Puerto Galera

Galing ako sa Puerto Galera nitong nakaraang weekend kasama ang mga kaibigan mula sa ASMSi. Grabe ang dami ng tao doon sa white beach, halos magsiksikan na sa dagat. haha! 40 kaming lahat na magkakasama kaya naman ang saya talaga at halos walang tigil ang kulitan na parang mga bata. Konting biruan lang ay hagalpakan agad ang tawanan.

Marami akong mga bagong karanasan dito.


First time kong tumawid papuntang ibang isla na sakay ng sasakyang pandagat. Malaking bangka ang sinakyan namin kaya naman nakakatakot nang pauwi na kami dahil malakas ang alon. Muntik pa ngang magpanic ang mga pasehero dahil may pumasok na tubig at saglit na huminto ang bangka. First time kong makarating ng Mindoro.


Mukha bang over loading na ang bangkang ito? Palagay ko rin. Pero may mga awtoridad naman na nagbilang muna ng pasahero bago kami umalis ng pier. Oh well...


First time kong mag snorkeling. Aliw na aliw talaga akong makipaglaro sa mga isda at pagmasdan ang magagandang corals sa ilalim ng dagat. Kahit paano'y panandaliang nakapamahinag sa kaiisip ng mga bagay-bagay na sabi nila'y hindi na dapat pinoproblema pa.


Medyo nanakit nga lang ang katawa ko kasi itong si Aryan ay hindi na kayang ipadyak ang paa kaya super alalay ako sa kanya. Hinihila ko sya ng kaliwang kamay para makasabay sya sa paglangay. Buti sana kung magaan lang sya eh halos doble yata ang timbang nya kaysa sa akin. hahaha!


First time kong bumiyahe na nakasakay sa ibabaw ng jeep. Mula kasi sa bahay ng isa naming kasama ay umarkela kami ng isang jeep at sa ibabaw nakapwesto ang mga lalake maliban na lang sa mga matatanda na. Mga 30 minutes na biyahe din yon. Nakaubos kami sila ng isang long neck na grand matador bago makarating sa white beach. Mga tomador talaga! grrr...

Marami pa siguro akong "first times" kung hindi agad ako umuwi ng Manila. April 29 ng umaga ay nasa Mindoro na kami. Ang plano talaga ay May 1 ng hapon ang uwi, pero umuwi na ako April 30 p alang dahil balak kong sumama sa Labor Day mobilization. May mga kwneto rin ako tungkol dito pero sa susunod na lang.