Marami akong mga bagong karanasan dito.
First time kong tumawid papuntang ibang isla na sakay ng sasakyang pandagat. Malaking bangka ang sinakyan namin kaya naman nakakatakot nang pauwi na kami dahil malakas ang alon. Muntik pa ngang magpanic ang mga pasehero dahil may pumasok na tubig at saglit na huminto ang bangka. First time kong makarating ng Mindoro.
Mukha bang over loading na ang bangkang ito? Palagay ko rin. Pero may mga awtoridad naman na nagbilang muna ng pasahero bago kami umalis ng pier. Oh well...
First time kong mag snorkeling. Aliw na aliw talaga akong makipaglaro sa mga isda at pagmasdan ang magagandang corals sa ilalim ng dagat. Kahit paano'y panandaliang nakapamahinag sa kaiisip ng mga bagay-bagay na sabi nila'y hindi na dapat pinoproblema pa.
Medyo nanakit nga lang ang katawa ko kasi itong si Aryan ay hindi na kayang ipadyak ang paa kaya super alalay ako sa kanya. Hinihila ko sya ng kaliwang kamay para makasabay sya sa paglangay. Buti sana kung magaan lang sya eh halos doble yata ang timbang nya kaysa sa akin. hahaha!
First time kong bumiyahe na nakasakay sa ibabaw ng jeep. Mula kasi sa bahay ng isa naming kasama ay umarkela kami ng isang jeep at sa ibabaw nakapwesto ang mga lalake maliban na lang sa mga matatanda na. Mga 30 minutes na biyahe din yon. Nakaubos
Marami pa siguro akong "first times" kung hindi agad ako umuwi ng Manila. April 29 ng umaga ay nasa Mindoro na kami. Ang plano talaga ay May 1 ng hapon ang uwi, pero umuwi na ako April 30 p alang dahil balak kong sumama sa Labor Day mobilization. May mga kwneto rin ako tungkol dito pero sa susunod na lang.
No comments:
Post a Comment