Mula Baguio City ay may inarkela na kaming jeep na maghahatid sa Babadac Ranger Station sa Bocod, Benguet, kung saan kami magsisimulang maglakad. Pero bago umalis ng Baguio ay nag-almusal muna kami doon at namalengke ng mga lulutuin.
Sandali kaming tumigil sa Ambukalw Dam para kumuha ng litrato. Dumaan din muna kami sa Protected Area Office sa Ambangeg, Daclan Benguet para magpatala at para sa maigsing mandatory orientation.
Bringing Books to the Boondocks (Year 1)
Layunin ng proyektong ito na magdala ng mga libro para sa silid-aklatan ng paaralang nasa liblib na lugar. At ang una nga naming naisip ay ang mga paaralan sa Benguet. Magkatulong sa proyektong ito ang Scorpion Mountaineers (MFPI Batch 17) ang ASMSi Mountaineers. Syempre pa, nariyan ang Asia Foundation na pinagkukunan namin ng mga aklat. Sa susunod na taon ay pipili ulit kami ng lugar na pupuntahan.
Napunta ang mga libro sa BSU Benguet Campus, Mt. Pulag Primary School, Abucot Elem. School at Daclan High Scool.
Team Proxy
Dahil baguhan pa lang ang grupo namin, kinuha namin ang serbisyo ng team proxy ng pinsan kong si Deng. Sila ang nag-ayos ng lahat mula sa itinerary, sasakyan at pagkain. Kasama ni Deng si Mike ng Outdoors Addict at si Marky kaya para kaming may caterer na kasama. Ang hapunan namin ay nilagang baboy at chicken teriyaki. Nag-almusal naman kami ng suzi roll, bacon at itlog. Mixed vegies at pork asado ang tanghalian namin. Sa tulad naming sanay sa de lata kapag nasa bundok, piyesta na itong maitututuring. hehe!
Surviving Mt. Pulag
Batid namin na mahirap ang pagpunta sa Mt. Pulag. Pero mas mahirap nga ito kapag umuulan. Pagdating pa lang namin sa Baguio noong Sabado ng madaling araw ay pumapatak na ang ulan. Syempre pa, hindi naman ito makakapigil sa amin. Hanggang pagdating namin sa Ranger Station ay pumapatak-patak pa rin ang ulan. Alas 2 dos ng hapon nang umalis kami sa Ranger Station at simulang bagtasin ang madulas na daan papunta sa Camp Site.
Pasado alas singko na kami nakarating at dahil umuualan pa rin ay dali-dali kaming nagtayo ng mga tents. Habang nagluluto sina Mike doon sa maliit na kubo, nagkulong muna kami sa mga tents namin dahil nga sa umuulan pa rin at sobrang lamig! 7pm nang tawagin kami para maghapunan doon sa kubo. Syempre, umaatikabong inuman ang kasunod. Mainam talagang pampainit ang gin. Masaya ang nagign kwentuhan habang umiikot ang tagay.
Kinaumagahan, maaga kaming gumising para pumunta sa tuktok ng Mt. Pulag. Madali lang naman ang daan papunta sa tuktok, sobrang lakas nga lang ng hangin at malamig. Mabuti na lang at hindi na umuulan noon atnaging maayos ang aming pag-akyat sa tuktok. Pero hindi namin masyadong nakita ang magandang tanawin mula sa tuktok dahil sa hamog. Babalik utli ako sa Mt. Pulag!
More pictures here and here.
CONGRATS sa inyong grupo!!!
ReplyDeletesalamat at nakasummit din kayo..
nawa'y may natutununan pa kayo sa lakad natin at magagamit nyo sa susunod na bundok na kagaya ng pulag.
ala ng ibang pix? heheheh
thanks to our guides--all five of them!
ReplyDeleteyou've been great...
looking forward to our next climb (walang magrereact!) haha!!!