Samantala, si Sen. Roco naman ay umamin na na bumalik yung dati nyang prostrate cancer. At dahil dito ay maraming nag-iisip kung iboboto pa rin nila si Roco, kahit na naniniwala silang siya ang pinaka karapat-dapat na maging pangulo sa mga naglalaban dito. May nagsasabi rin na si GMA ang makikinabang sa ganitong sitwasyon. May magandang pagsusuri dito si Sassy Lawyer.
Marami akong kaibigan na ang iboboto ay si Bro. Eddie. Pero hindi talaga ako makumbinsi na sya ang iboto ko.
Una dahil hindi ko pa rin nalilimutan yung JESUS DECALARES VICTORY noong nakaraang 1998 presidential election (gamitin daw ba si Kristo sa pangangampanya?). Iniendorso ni Bro. Eddie ang prinsipe ng mga trapo (alam nyo na kung sino yun at di na kailangang pangalanan pa). Tanong ko lagi bakit yung prinsipe ng trapo ang iniendorso nya. Anong basehan? May sumagot pa nga sa peyups forum na yun daw ang will ng God. Eh bakit natalo? Kasi daw hindi yung ang perfect will ng God. May tinatawag daw na permissive will. Tanong ko ulit, sino ang magsasabi kung ang will ng God ay permissive o perfect, Si Bro. Eddie? Wala na akong nakuhang sagot.
Kung tutuusin, maganda rin naman ang kanyang plataporma at maayos din syang sumagot sa mga tanong tuwing kinakapanayam siya. Minsan pa nga, ay humuhugot pa ng mga mensahe sa bibliya bago tuluyang sagutin ang tanong. Bagay na nakakakaba kasi may nabasa din ako tungkol don sa paggamit ng demonyo sa mga nakasulat sa bibliya upang makapanlinlang.
Siguro makarinig lang ako ng magandang paliwanag sa pagsuporta niya sa prinsipe ng mga trapo (yung hindi lokohan tulad ng will of god), baka sakaling iboto ko sya at gamitin ang nalalabing mga araw bago sumapit ang eleksyon para kumbinsihin ang iba pa na iboto rin sya.
Sa ngayon, si Sen. Roco pa rin ang iboboto ko. May sakit nga sya, pero hindi naman sa diwa at kaisipan.
No comments:
Post a Comment