Tulad ni Sen. Roco, ngayon ay nakararanas din ako ng pananakit ng balakang. Minsan nga ay bigla akong napaupo sa sahig dahil biglang sumakit ang balakang ko. Karga ko pa naman si Sophia noon, buti na lang at di ko sya nabitawan. Di talaga ako makatayo noon dahil sa sakit. May oras naman na halos nakayuko na ako maglakad. Kaya nga noong Easter Sunday ay hindi ako masyado nag-enjoy sa beachPero ngayon ay medyo tolerable na naman ang sakit. Ganunpaman, kailangan ko na talaga ito patingnan.
Kung si Sen. Roco ay papuntang US, ako naman ay papunta mamaya sa Batangas. Uuwi ako para magpahilot o magpaalbularyo. Medyo di kasi ako kumbinsido sa sabi ng doctor ko kahapon ng ako ay kumonsulta sa San Juan De Dios Hospital. Scoliosis daw. Nagpa X-Ray na ako kahapon, pero bukas ko na lang kukunin ang resulta. Kitang-kita naman na medyo tabingi yung hubog ng likod ko, lalo na yung balakang ko. Pakiramdam ko nga ay maigsi yung isang paa ko. Tinanong ko sa doktor kung bakit naman biglang-bigla ay nagkaganon. Sabi ng doktor matagal na daw yon, di ko lang napapansin. Imposible naman yun, naisip ko. Kaya susubukan ko kung ano sasabihin ng albularyo.
Naniniwala ba kayo nakakapagpagaling ng karamdaman ang mga albularyo?
No comments:
Post a Comment