Pero ano nga ba ang nagawa ng BAYAN MUNA sa loob ng tatlong taon sa kongreso?
1. Ang BAYAN MUNA ay nakapag-akda ng 264 panukalang batas at resolsyon na tumutugon sa karaingan ng mamamayan para sa kabuhayan, lupa, pabahay, edukasyon at kalusugan.
a) Naipababa ang binabayarang PPA at singil sa kuryente.
b) Ipinaglaban ang hinihingi ng mga aping sektor na dagdag na sahod, trabaho, lupa, patubig, pabahay, edukasyon at ospital
c) Iginiit ang proteksyon at suporta para sa mga magsasaka at lokal na negosyante.
d) Naipasa sa Mababang Kapulungan ang inakdang Marcos Victims Compensation Bill, Anti-Trafficking in Persons Act at Overseas Voting Act.
e) Sinalungat ang patakarang gera ng gubyernong US at Arroyo.
2. Naisakatuparan nito ang mga proyektong pambayan gaya ng mga sumusunod:
a) 174 day care at multi-purpose buildings
b) 110 gusaling pampaaralan
c) 109 sistemang patubig
d) 62 farm-to-market roads
e) mga kalsada at tulay, klinikang bayan, libu-libong tulong medikal at marami pang iba.
Muli nating iluklok sa kongreso ang BAYAN MUNA upang patuloy na marinig sa konghreso ang boses ng bayan!
BAYAN MUNA para sa PARTY LIST!
No comments:
Post a Comment