Sa wakas, nagdesisyon na rin si GMA na pauwiin na ang mga Sundalong Pinoy na pinadala sa Iraq bilang bahagi ng peace keeping force. Kung anuman ang motibo ni GMA, lalabas at lalabas din yun. Ang mahalaga ay mapalaya na si Angelo Dela Cruz. Nakinig nga ba si GMA sa public opinion? May magandang analysis dito si Sassy Lawyer. May theory din dito si Ms. Cathy, reyna ng mga pusa.
Ang daming magkakaibang reaksyon ang lumabas matapos ang pahayag ng Pilipinas na pauuwiin na nga ang mga sundalong pinoy na pinadala sa Iraq. Hindi ko masabing hati ang opiyong publiko dahil maliwanag naman na mas maraming Pinoy ang gustong mailigtas si Angelo Dela Cruz.
Target na raw tayo ng terorismo dahil ipinakita natin na tiklop-tuhod tayo sa kanila.
Nanginginig naman ako sa takot. hehe! Hindi ko matandaang ipinakita ng US ang pagtiklop-tuhod sa terorismo. Pero bakit may 9/11 WTC Attack? Bakit may isang Nick Berg na pinugutan ng ulo? Oo nga at hindi naman tiyak na kapag pinauwi na ang mga Pinoy Soldiers ay ligtas na si Angelo Dela Cruz at ang iba pang mga Pinoy sa Iraq. Pero mas lalo namang hindi tiyak kung makikisahog tayo sa gera ng US laban sa Iraq at iba pang bansa na tinik sa lalamunan ng US!
Pero sa totoo lang, nakakatakot nga. Natatandaan nyo pa ba si Michael Meiring?
DAVAO CITY-- Exactly a year ago today, May 30, a fuming Mayor Rodrigo Duterte lashed out at the “arrogant” agents of the US Federal Bureau of Investigation for having spirited out of the hospital an American national who nearly lost his life when explosives he owned went off inside his room in a budget hotel on May 16.
“An affront to Philippine sovereignty,” was how Duterte described to the Regional Peace and Order Council (RPOC) what the FBI agents did in getting Michael Terrence Meiring out.
Who was Michael Terence Meiring and why did the FBI get him out? How did he manage to leave the county despite warrants of arrest and hold departure orders? Why hasn't he been returned to this city to face charges of illegal possession of explosives and reckless imprudence despite promises last year by the police and the National Bureau of Investigation? Why doesn’t the Special Anti-Terrorist Unit want to say exactly what kind of explosives went off in Meiring’s hotel room? [melbourne.indymedia.org]
Hindi na ako magtataka kung maging active ulit ang Abu Sayyaff, kung kabi-kabila na naman ang bombing sa Mindanao. Huwag naman sana gawing target ang MRT.
Nakakahiya raw tayo, walang isang salita at nang-iiwan sa ere
Nakakahiya naman talaga tayo kasi yung ating pangulo halos himurin na ang pwet ni Uncle Sam. Nakakahiya tayo depende kung bakit nga ba pumayag si GMA na i-pull out ang ating troops sa Iraq. Pero kung ginawa nya yun dahil napagtanto nya na mali ang suportahan ang gera ni Bush at hihingi pa sya ng tawad sa mamamayan ng Iraq dahil sa pagsuporta niya dito, hindi iyon kahiya-hiya para sa akin. Sabi nga ng Filipino Youth for Peace: Stop supporting the genocidal war of greed!
Pero duda pa rin ako kay GMA eh. Lalabas at lalabas ang dahilan sa likod ng kanyang desisyon. Abangan....
No comments:
Post a Comment