Habang nananghalian kanina, may nakausap akong isang British tungkol sa sinapit ni
Angelo dela Cruz. Sabi nya di malayong sapitin din nya yung sinapit nung mga nauna nang pinugutan ng ulo. At dahil daw dito lalo lang binibigyan ng mga ito ng katwiran si Bush sa kanyang mga ginawa. Sabi ko naman, gagawin kaya nila yung mga pagpugot na iyon kung in the first place ay hindi nanghimasok ang US sa kanila. Nasa kultura na raw ng mga muslim ang pagpugot-ulo. Di ko na lang pinahaba ng usapan. Baka isipin pa nyang member ako ng abu-sayaff eh. hehe!
Nakakalungkot talaga yung sinapit ni Angelo dela Cruz. Pero sa kabila nito, madami pa ring mga pinoy ang gustong magtrabaho sa Iraq. Mas gugustuhin pa raw nilang mamatay sa Iraq, kesa mamatay sa gutom ang kanilang pamilya dito. Hindi ko naman din sila masisi.
Pero bakit nga ba kailangan nating kumampi sa gera ni Bush sa Iraq? Bakit pinahintulutan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Iraq
kapalit ng dollar remittances kahit na alam namang delikado? ? Bakit kailangan pang magpadala ng mga sundalong Pinoy doon? Oo nga at humanitarian mission yun, na tumutulong sila sa paggawa ng mga gusaliang pampaaralan at iba pang may kinalaman sa serbisyong panlipunan. Pero hindi naman sana ito kailangan kung hindi winasak ang Iraq ng teroristang gera ni Bush. Grrr....
Marami na akong narinig at nabasa tungkol sa pangyayaring ito, pero tila wala akong naringgan ng galit laban sa mga Iraqis. Halos iisa ang sentimyento nila -
GMA, @#$%^&*_)!!!!!
Naiintindihan ko sila.
No comments:
Post a Comment