Tricycle driver sya doon sa lugar namin at madalas sya ang naghahatid sa akin papunta sa may labasan. Halos iisa ang nagiging dialog namin:
Ako: Bibiyahe ka ba 'dre?
Al: Saan tayo?
Ako: Dyan lang sa Kanto
Tapos paaandarin nya na ang tricycle nya at ihahatid na ako sa kanto. Hindi ko nakakalimutang magpasamat sa kanya tuwing bababa na ako.
Siya yung tipo ng taong iiwasan mong makasalamuha kasi mauunahan ka ng takot. At kung hinid mo siya kilala, nakupo! Baka hindi ka sumakay sa tricycle nya. hehe! Lagi kasing mapula ang mata nya. Umagang-umaga pa lang kasi ay makikita mo na syang may tinutunggang red horse kasama yung iba pang tambay. Natawa nga ako minsan nang palabas ako at nagkataong may hawak pa syang bote ng red horse. Tinganggihan nya ako kasi nakakahiya daw sa akin kasi nakainom sya. hehe! Wala naman yatang araw na hinid sya nakainom eh. Madalas nga sa gabi ganug eksena pa rin nakikita pagkagaling ko sa trabaho. Di ko nga alam kung natutulog pa yun eh. Minsan pa nga ay inaalok nya ako, na tinatanggihan ko naman ng maayos.
Pero ngayon, naninibago ako tuwing umaga kasi wala na sya. Patay na. Napaaway sa pagtatanggol sa kabarkada. Napatama daw ang ulo sa semento at ayon sa mga kwento ay halos mabiyak daw ang ulo, na naging dahilan ng pagkamatay. Di ko sigurado ang totoong dahilan pero ang tiyak ko ay inilibing na sya kahapon at pinabaunan pa nga raw ng red horse.
Paalam Al Dabog!
No comments:
Post a Comment