Sabi nung isa kong kasama sa trabaho, primarily daw dapat ay maibigay mo lahat ng pangangailangan ng iyong anak. Pinansyal yung tinutukoy nya. Ok, mahalaga nga itong aspetong ito. Paano nga naman mabubuhay ang iyong anak kung pambili man lang ng gatas ay wala ka. Pero hindi ako sang-ayon na ito yung pangunahing sukatan. Ano naman ang silbi kung mabuhay mo nga ng malusog ang iyong anak, mapapag-aral sa magandang eskwelahan pero wala namang pakialam sa kanyang kapwa? Ano naman silbi kung maging senador at mayor ang anak mo pero kung makaasta naman ay parang sila lang anak ng diyos? Mas pangunahin sa akin ay kung mapapalaki mo ang iyong anak na may matinding sense of social responsibility. Pero kappag sa kapitbahay namin mo ito sasabihin, tiyak ang magiging sagot nun ay - taginang yan! eh di ipainom mo yang social responsibilty mo sa anak mo! hehe!
Isa ko pang pinag-iisipan ay yung sinasabing hindi ka raw magiging mabuting ama, kung hindi ka magiging mabuting asawa. Dati ganito ang paniniwala ko at sinisikap kong mamuhay ng naaayon dito. Pero mukhang hindi ito lapat sa lupa. Mukhang magkahiwalay na bagay ito at hinid pwedeng ikonek sa isa't-isa.
Palagay nyo?
No comments:
Post a Comment