Wednesday, March 02, 2005

Mapua and the Student Activism

Malakas ang pagtutol ng mga estudyante, mga magulang at mga alumni ng Mapua Institute of Technology sa balak ng may-ari ng paaralan na palitan ito ng bagong pangalan na Malayan Colleges. Sa totoo lang ay kinilabutan ako sa dami ng estudyanteng sumama sa rally nila noong nakaraang buwan. Wow! Ang luffet! Sabi ko sa sarili ko. Pero naisip ko lang din, mukhang may mali sa senaryong ito eh.

Ang ibig kong sabihin, hindi naman ganito katindi ang reaksyon ng mga MIT Students sa pagtaas ng matrikula, sa pagtaas ng presyo ng langis, sa VAT at sa iba't-ibang isyu na direktang nakakaapekto sa kanila. Tapos simpleng pagpalit ng pangalan ng eskwelahan ay sapat na para makumbinsing sumama sa rali? Ok, ok. HIndi ito simpleng isyu lang. Nandon na ako na ang Mapua ay halos kasingkahulugan na ng Engineering. Bakit pa nga naman kailangang palitan ng wala man lang konsultasyon. Pero mas mahalaga ba ito sa mga isyung panlipunan na nabanggit ko?

Pero ganunpaman, nakakatuwa rin naman yung ipinakitang pagkakaisa ng Mapuan Community. Pero mas nakakatuwa kung mula doon ay medyo iangat ng konti yung laban, i-politicized kumbaga. Mapigilan man ng Mapua Community ang pagpapalit ng pangalan ng kanilang paaralan, mananatili pa rin ang mga problema sa edukasyon kung hindi ito pagtutuunan ng pansin.

Sana ay manawagan din sila para isulong ang isang makamasa, syentipiko at makabansang sistema ng edukasyon.

Pero sige na nga, ok na ring panimula yung paborito nilang slogan na obyusli ay hango sa kanta ng paborito kong si Bob Marley -

GET UP! STAND UP! STAND UP FOR YOUR RIGHT!
GET UP! STAND UP! DON'T GIVE UP THE FIGHT!

No comments:

Post a Comment