Past 12 na kami nakabalik sa opis. Pagkatapos ko naman mananghalian, sunod-sunod naman yung ininterview kong applicants para nga doon sa bagong restaurant - cashiers, cook, waiters etc. Nakakapagod na nakakatuwa rin naman sa isang banda kasi kung anu-ano yung mga naririnig kong kwento mula sa kanila. Yung isang cook nga 6 months sya sa Iraq, umuwi noong October 2004 kasi grabe na daw yung sitwasyon. May isang aplikante naman for cashier na halos magmakaawa na kasi pareho daw sila ng asawa nyang walang trabaho. Ang hirap na nga talaga ng buhay sa Pinas. Meron din naman na medyo magmamarunong siguro para i-impress ako or something. Tapos bandang huli nangangapa naman ng isasagot sa mga tanong ko. hehe!
Tambak na tuloy yung email sko sa bloggingberks, pero syempre nakasilip naman ako ng konti doon sa blogkadahan.com. Swerte ko talagang mapasama sa blogkadahan!
Muntik ko na nga palang makalimutan. MABUHAY ANG KABABAIHAN!
No comments:
Post a Comment