Yan ang gustong paniwalaan at inilalako ng mga nasa Malacanang, katulong ang ibang taga media. Yan din ang paniniwala ng ilan sa aking mga kaibigan at kakilala. At ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa poder pa rin si GMA.
Partisipasyon ng middle class at military ang susi sa pagpapatalsik kay GMA.
'Yan naman ang paniniwala ng isa ko pang kaibigan. At para sa kanya, kahit daw walang partisipasyon ang mass movement, magtatagumpay pa rin ang pipol power. At minamaliit nya nga ang partisipasyon ng mga ito sa Edsa 1 and 2. Obyusli, tingin nya ay overnight lang ginagawa ang pagpapatalsik sa mga tiwaling pangulo. Hindi nya nakikita ang buong proseso at nakatulon lamang sya sa huling bahagi ng proseso (panahon ng balimbingan). Sa bagay, ano ba naman ang maaasahan sa taong ang tingin sa grupong makakaliwa ay mga sugo ng demonyo.
Naalala ko tuloy noong nasa college pa ako, panahon ng student council election. Kalaban namin ay mga christian democrats at sa isang debate ay tinanong ako kung komunista daw ba ako. Obyusli, iniisip nyang kasiraan ito laban sa amin. Na sinagot ko naman ng ganito -
Depende yan sa pakahulugan mo. Kung ang tawag mo sa mga nanawagan para sa makatarungang sahod, lupa para sa magsasakaya at edukasyon para sa mga kabataan ay pagiging komunista, sige komunista ako. At ipinagmamaki ko ito. Pero kung kristiyano naman ang tawag mo sa mga bingi sa hinaing ng kanilang kapwa, nagpapagamit sa administrasyon at tango lang ng tango, ikinahihiya ko ang maging kristyano!
Hindi ko iyon makalimutan kasi talaga namang ang ingay ng palakpakan ng mga nanonood sa debate at syempre, panalo kami sa eleksyon!
Mass movement is the key factor for ousting the Arroyo regime
'Yan naman ang sabi ni Joma Sison.
The rate at which the mass movement has been growing in size and advancing against the Arroyo regime is quite good and commendable. It is ridiculous for the Arroyo regime and its apologists to scoff at the mass movement as failing to raise immediately enough mass strength to overthrow the regime. It took more than 2.5 years (August 1983 to February 1986) for the mass movement to bring down the Marcos fascist dictatorship. The overthrow of Estrada took more than 2 years from the time BAYAN called for his ouster in December 1998 and nearly five months from the Chavit Singson expose .
The mass movement is the key factor for overthrowing the Arroyo regime. As in the past, it will become dramatically effective when it is able to concentrate 500,000 to one million people at a focal point in the national capital region. The broad united front is working towards massing people on all the streets leading to the presidential palace. This is expected to be the focus of militant mass actions all over the country and to signal the withdrawal of military support from the regime.
Nag-iilusyon na naman ang matanda, malamang ay sasabihin ng mga galit at di naniniwala sa kanya.
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata kung sino nga ba ang mapagpasya sa pagbabago. Kasayasayan ang siyang huhusga.
No comments:
Post a Comment