Una ko syang nakita sa blog ni Ederic, tapos nag YM din si kabayang Dzune at nagbabalita nga ng tungkol sa google talk. At habang kasuap ko si kabayang Elaine na nasa Germany, tinanong nya ako kung may google talk na nga raw ako. Sabi ko'y magda-download pa lang.
Si Elaine ang una kong nakausap sa google talk, sinubukan pa nga namin yugn yung voice chat. Akalain mo ba namang halos talbugan nya ang boses ni Celine Dion sa awiting Because you love me. Naghang ang PC ko sa ganda ng boses nya. hehe!
Ang isa ko kaagad napansin sa Gtalk ay mukhang walang feature na gaya ng sa YM - yung groupings ng mga contacts. Sabagay, beta pa lang naman. Pero mas cool kung meron kagad ng feature na yun. Ganunpaman, pasasaan ba't gaganda pa rin ito. Google kasi eh. :-)
Sana rin ay magkaroon sila ng webcam feature gaya ng sa YM. Bihira kasi ako umuwi sa Pangasinan kaya halos araw-araw sa webcam ko na lang sinisilip si Pia na ubod na ng kulit. Kanina lang ito kuha, nandon sila sa shop, yung PIA Bytes Computer Center na pinagkakaabalahan ni misis ngayon.
No comments:
Post a Comment