Pero syempre cool lang ako. Ang inisip ko agad eh yung separation pay ko, 7 years na din ako dito aba. Kahit 2nd hand na kotse makakabili na ako at pambayad sa mga kautangan. haha! Tapos naisip ko, paano kaya kung di ibigay yung expected kong separation pay? Ano kayang bagong assignment ang pwedeng ibigay sa akin? Bigla akong kinabahan. Sige lang, sabi ko sa sarili ko. I will play it by ear.
Kaya nag-email ako kay bossing. Sumagot naman sya agad. Huwag ko raw muna asahan yung separation pay. May inialok syang trabaho. Maganda yung offer kaya lang di ko feel. Dito nagsimula umikot ang tumbong ko. Kaya pinag-isipan kong maigi yung sagot ko sa email nya. Worded it very carefully and even consulted some friends before hitting the send button. That was yesterday night, before I went home.
As soon as I arrived at the office this morning, first thing I did was check my inbox. Walang reply si bossing. Medyo unusual, kasi mabilis magreply yun sa email. Sabi ko sa sarili ko, kapag wala syang reply before 12 noon, I'm doomed. Kaya laking tuwa ko nang may new message sa inbox ko bandang 10 am. May maganda syang offer. Actually, isa yun sa mga options na inilatag ko sa kanya. Nagustuhan nya naman. Kaya lang may kakausapin daw muna sya tungkol dito at tsaka nya ako babalikan.
Mahirap nga daw magbilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang itlog. Pero kung matutuloy yun, magpapakanton ako. Uhm.. magpapahipon na rin ako. Pero kapag di natuloy, mambabato ako ng itlog.
Pwera usog.
No comments:
Post a Comment