Nagmukha akong ligaw na tupa, sabihin pa.
Nakatutuwa yung mga argumentong nagsulputan -
1. Hindi sila pabor kasi hindi daw ito naaayon sa Bibliya, sa Catholic Doctrine.
Kaya nagtanong ako, kailangan bang naaayon sa bibliya o sa doktrina ng simbahang katoliko para maging batas? kweng! kweng!
2. Kaya nga raw pinarusahan ang Sodom at Gomorrah ay dahil sa homosexuality.
Yun yung gusto nyong palabasin. Tungkol lamang doon. Pero may account sa Leviticus na ang dahilan ng parusang iyon ay dahil sa talamak na social injustice. Bakit hindi ito masyadong binibigyan ng pansin?
3. Hindi raw ito maaari kasi malinaw daw ang depinisyon sa family code tungkol sa kasal, sa pamilya.
At ang counter arguement ko naman ay pwede namang ma-amend yung batas na iyan para umangkop sa mga pagbabago.
4. Ang kasal/sex daw ay pro-creation. paano daw magpaparami ang parehong lalake o parehong babae?
Eh ang kasal ba kako ay tungkol lamang sa pagpaparami? Very good pala kako yung mga anak ng anak at tumutulong sila sa pagpapadami ng populasyon? hehe!
5. Hindi daw maaraing isabatas kasi mas maraming Pilipino daw ang hindi pabor dito.
Sabi ko, maaari. Pero pabor ang mas maraming Pilipino sa Expanded Value Added Tax at ratification ng General Agreement on Tarrifs and Trade? hmmm...
6. Tapos may nagkomento, eh kailangan naman talaga ang EVAT.
hmmm... yun ba ang kailangan o mas dapat ayusin ang collection at bawasan ang corruption? Ok na ba yung kaso ni Lucio Tan?
7. Hindi raw sila pwedeng ikasal kasi nga labag sa salita ng Diyos.
Eh mga broders and sisters, they are asking for lagalization (which goes with certain rights and priveledges) and not church blessings. Maliban na nga lamang kung wala itong pinagkaiba para sa inyo.
Then I rest my case.
No comments:
Post a Comment