Bago sya umalis, kinukumbinsi ko syang huwag sa Vancouver magsettle, mahihirapan sya maghanap ng trabaho. Lalo pa nga't ayaw nyang subukan yung mga survival jobs. Sabi ko sa kanya, kailangan nya ng Canadian experience para mapasok sa trabahong gusto nya -programmer. At swertihan lang kung magiging programmer sya agad. Eh matigas ang ulo nya. Kaya ayun nga, sa Vancouver pa rin sya pumunta.
Kahanga-hanga ang determinasyon ng kaibigan kong 'yon. Nandyan nang may mga Pinoy na nagsabi sa kanya na dapat daw 'di na sya pumunta doon eh 'di nya raw ba alam na mahirap daw ng buhay doon. Yung Pinoy na yun daw ay matagal na sa Vancouver. Sabi ko sa kanya,. sana tinanong mo kung bakit di pa rin sila bumabalik ng Pinas kung nahihirapan sila? hehe! Di nay raw maintindihan kung bakit ganun yung ugali ng Pinoy na yun. Samantala, impressed naman sya sa mga Canadians, ang babait daw.
Sa madaling sabi, nahirapan sya sa. Pero ayaw nya pa ring sumuko. Hinding-hindi daw sya lilipat sa ibang lugar. Sabi ko kasi sa kanya, yung prof ko noong college na naging kliyente din namin ay sa Alberta nagsettle. In two weeks time, napasok sya bilang secretary @ C$10/hour. Nakakatanggap na rin sya ng monthly allowance for her two kids, total of C$ 415/month. Kaya lang, talagang ayaw nya umalis ng Vancouver.
Noong nakaraang buwan, nagkausap kami sa YM. may schedule na raw sya ng interview as programmer. At nang kinumust ako kung pumasa sya, malungkot at naiinis sya. Hindi daw sya tinanggap kasi wala syang Canadian Experience. Kaya naman nagulat ako nang mabasa ko ang email nya kanina -
apol mag work na ko sa programming whoohooo,sabi ko sayo pag nagmabaet ka (well im trying) everything will fall into place eh......kaya if i were you tigilan mo na ang [deleted for personal reasons. hehe!]...hahahhaha tuwang tuwa yung mga pinoy saken dito kasi sobrang swerte ko daw imagine 10wks palang ako tapos nakuha ko na work na gusto ko im going to start on aug8 ....thank god!
Masaya ako para sa kanya. Hmm.. sana matuloy din kami sa Canada!
No comments:
Post a Comment