Friday, November 18, 2005

Ikaw ba'y nalolongkot, walang makausap? Try mo mangulit ng makulit na telemarketer

Noong isang araw naman, may tumawag na telemarketer sa akin ng isang banko. Inaalok ako ng personal loan. Sabi ko, di ko kailangan yun kasi madami na ako nun. haha! Natawa yung telemarketer. Eh mapilit, kaya sabi ko sa kanya, bigyan nya na lang ako ng isang matinding dahilan kung bakit kailangan ko mag-apply para sa personal loan. Wala namang maibigay na dahilan. Wala siguro sa script nya yun. hehe!

Kaya ako naman ang nagtatanong sa kanya.Tinanong ko kung ano pangalan nya. Suzette daw. Muntik ko na pagbabsakan ng phone. Kasi bago sya tumawag may kausap din ako sa phone na Suzette din ang pangalan. Pinagbagsakan ba naman ako ng phone! Grrr....

Pero dahil mukha namang maayos kausap yugn telemarketer, tuloy ang kwnetuhan. Madami na akong naitanong kung nang biglang mag-ring ang cellphone nya. kaya nag excuse muna sya. Tinanong ko kung asawa nya yung tumawag. Hindi daw. Boyfriend? Hindi din daw. Biyuda ka na ba? hehe! May bf daw sya na kapatid ng mayor sa isang bayan ng western visayas. At ang bf nya daw ay ang nagpa-planong patakbuhin bilang mayor sa susunod na halalan. Gamit ang mahiwagang google, nakita ko kung sino yung mayor na tinutukoy nya.

Ah, kapatid pala ng bf mo si mayor T na Intisk ang napangasawa. Takang-taka tuloy si telemarketer kung bakit ko kilala si Mayor T eh samantalang neverheard yung lugar nila. Sabi ko mahilig lang talaga ako magbasa ng bulgar, tiktik at remate. haha!

Ah, things you do when bored. haha!

No comments:

Post a Comment