Ang sarap siguro kapag araw-araw ko nakakawentuhan ng personal si Pia tungkol sa mga nangyari sa kanya sa school. Kung ano ginawa nya, kung ano bago nyang natutunan, kung sino ang mga bago nyang kaibigan, at kung may nanliligaw na sa kanya. hehe! Pero sorry na lang ako kasi nga malayo ako sa kanya. Magkakasya na lang siguro ako sa araw-araw na pagtawag sa telepono. Ngayon nga tuwing kausap ko sya sa telepono, malimit nya ikwento na nag-color daw sya -
Daddy, nagko-color ako.... Daddy, meron ako crayons... Daddy, uwi ka dito. Nami-miss na kita... I love you Daddy!
Nakakatuwa rin naman si Pia kasi nga medyo mahusay ang memory nya. Pero tuwing sinusubukan ko sya tanungin ng bakit ganito, bakit ganun, medyo wala pa sya sa ayos. haha! Siguro maysado pa syang bata. Pero mas nakakatuwa kasi kung nakakasagot na sya sa mga ganitong tanong. Sa ganito ko sya gusto sanayin kaya lang, yun nga, ang layo ko at ang mommy nya lagi kasama.
Haaay... Umulan sana ng tatlong araw na sunod-sunod sa darating na tag-araw para biglang magbago ang isip ng mommy ni Pia. Ang labo kasi eh. Kainis.
No comments:
Post a Comment