Siguro'y sanggol na bagong panganak na lamang ang di nakakaalam ng tungkol sa Proclamation 1017 (halos konti lang ang kulang sa 1081). Kaugnay nga nito'y sunod-sunod na ang inaresto at nakatakda pang arestuhin. Kabilang sa mga naaresto ay si Cong. Crispin Beltran na mas kilala sa activist circle na si Ka Bel.
Isa si Ka Bel sa mga talagang hinahangaan ko sa mga tibak. Noong bumisita nga sa Pinas ang bwisit na si Bush ay nagkaroon ako ng pagkakataong magpalitrato kasama sya. Photo-op baga. Kasalukuyan kasing nagkukuhanan kami ng litrato noon ng dumaan sya. Ka Bel, baka gusto nyong sumama sa amin magpalitrato, biro namin sa kanya. hehe! At yun nga, natatawa syang sumama sa amin.
Karaniwan nang nauugnay ang pangalan nya sa mga welga, sa KMU. Pero may isang bahagi ng buhay nya ang interesting ding malaman, ang kanyang love story.
Since 1956, Ka Bel has been married to the former Rosario Soto from Malolos, Bulacan. There’s a joke circulating around activist circles that goes “Ka Bel is a voice who should be heard in the Lower House, but in his own house, it’s Ka Osang whom he listens to.”Narito ang kabuuan ng kwento.
Samantala, kasalukuyan pa ring nakakulong Si Ka Bel. Ang nakakatawa dito, ang basehan ng pagkaaresto sa kanya ay isang 22 year old arrest warrent! Pero astig talaga si Ka Bel, di nya kinilala ang inquest proceedings at nag walk-ot sya dito.
"This is foolishness. This is not an inquest, charge me with contempt," Beltran shouted, as he raised a clenched fist in defiance of the proceedings conducted by justice department prosecutors.
Naisip ko lang, pag-aksayahan kaya ng panahon ng gobyenro ni Arroyo ang mga bloggers na kritikal sa kanya? Kung noong wala pa ang state of emergency ek-ek nya ay ganun-ganun na lang kung dukutin at patayin ang mga mambers ng Bayan Muna at mga alyado nito, paano pa kaya ngayon?
No comments:
Post a Comment