Ito ang Gulugod Baboy (pero mas mukha syang puson ng kapitbahay namin dati sa Paranaque). Matatagpuan ito sa Anilao/Mabini Batangas. Mula sa tuktok nito ay matatanaw din ang iba't-ibang bundok gaya ng Mt. Makulot, Mt. Manabo at iba pa. Tanaw din mula dito ang Isla ng Mindoro at ang nagkikislapang ilaw mula sa Batangas City. Nakakatuwa dito dahil ang lawak talaga ng camp site.
Nagkape ako dito noong Linggo ng umaga, kasama ang mga kaibigan mula sa ASMSi.=)
Masaya ang naging lakad naming ito. Sa bus pa lang papuntang Batangas ay nag-umpisa na ang kulitan. Lahat ay sabik sa camera na para bang mga adik na. haha!
Nananghalian muna kami sa Mabini Publik Market bago tuluyang tumulak papuntang Brgy Gasang. Namalengke na rin kami ng mga lulutuin para sa hapunan at agahan.
Matapos mananghalian ay tumulak na kami papuntang Brgy Gasang na kung saan nagluto kami ng ulam para sa hapunan - adobong mamoy (manok at baboy). May mga kamag-anak dito ang isa naming kasama kaya tumambay muna kami dito at nagpakyut.
4 pm na nang umalis kami sa Brgy Gasang. Sumakay kami ng jeep hanggang Brgy. Malimatok at mula doon ay inumpisahan na namang
Malapit nang lumubog ang araw nang makarating kami sa tuktok. KUgn hindi dahil sa kapal ng ulap, napagmasdan sana naman ang paglubog ng araw. Medyo malamig sa taas, pero hindi kasing-lamig gaya ng sa Mt. Makulot.
Matapos mag-almusal, bumaba agad kami pabalik sa Brgy. Gasang. Nagplanong pumunta sa Sombrero Isaland pero bandang huli ay napagpasyahang doon na lang sa malapit na beach maligo, bago umuwi ng Manila.
Hindi man nasunod ang itinerary namin, naging masaya pa rin naman sa kabuuan. Hanggang sa muling pag-akyat...
that must have been a great experience!
ReplyDeleteI'm interested in the details of your next mountain climbing challenges!