Monday, July 31, 2006

Happy birthday Pia!

Dear Pia,

Maligayang kaarawan!

Pasensya na nga pala at di ako nakapunta sa bithday party mo. Komplikado kasi ang sitwasyon kaya kahit gustong-gusto kong pumunta, nagkasya na lang akong kausapin ka na lang sa telepono at maghintay sa litratong ipapadala ng Tita Kath mo. Baka kasi magkaroon lang ng di magandang eksena kapag pumunta ako at tuloy masira pa ang party mo. Sa tamang panahon ay ipaliliwanag ko rin sayo kung bakit. Pasensya na ulit. Hindi ko alam kung ano sinabi sayo kung bakit wala ako. Pero hindi ko maiwasang mangamba. Natatandaan mo pa ba noong nasa ospital ka, paulit-ulit mong sinasabi sa akin na miss mo na ang Inay at gusto mo pumunta sa Batangas? Bumaba lang ako saglit para bumili ng gamit mo, iba na agad ang sinasabi mo pagbalik ko. “Daddy, ayaw ko punta sa Batangas”, siya mong salubong sa akin. Tinanong kita kung bakit at sinabi mong dahil ikinukulong ka sa dilim. Hindi ko talaga makalimutan ang isinagot mo nang tinanong kita kung sino nagsabi sayo. Alam kong bata ka pa para maging biktima ng ganitong pambabaluktot, pasensya na kung nalagay ka sa ganitong sitwasyon.

Ang bilis talaga ng panahon, tatlong taong gulang ka na ngayon. Sa susunod na taon ay mag-uumpisa ka nang pumasok sa eskwelahan. Excited na ako! Kahit nga mag-isa lang ako, napapatawa ako kapag naiisip ko kung gaano ka magiging kakulit sa school. Ngayon pa lang kasi eh ang kulit mo na. hehe!

Nakita ko yung picture mo na buhat-buhat ka ng 2 clowns. Ang saya-saya mo sa litrato. Masaya rin ako syempre. Pero bandang huli, naalala ko yung pag-uusap natin dalawang linggo bago ang iyong kaarawan. Tinanong kita kung ano ang gusto mo sa birthday mo. Sabi mo nga ay clowns, baloons at cake. Tinanong kita kung bakit gusto mo ng balloons. “kasi may baloons si Porky noong birthday nya”, ang sagot mo matapos ang matagal mong pag-iisip. Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo matapos mong isagot yun sa akin? At matapos yun ay hindi ba't sabi mo ay ayaw mo na ng clowns kasi mas mahalaga ang milk at mga damit mo?

Pero natuloy din pala. hehe! Gusto lang siguro ng mga taong nasa paligid mo na maging masaya ang selebrasyon ng kaarawan mo. Pero yun nga lang, mas malamang na ganito ang naisip nila dahil ito ang nakagawian na, bunga ng malakas na hatak ng komersyalismo. Gaya rin ng komersyalisasyon ng selebrasyon ng araw ng mga puso, pasko at iba pa. Paglaki mo pa ng konti at may pagkakataon tayo, magtatalakayan tayo tungkol dito.

Balik muna tayo doon sa balloons at clowns.

Anak, hindi naman masama kung gusto mo ng balloons at clowns. Pero hindi maganda ang dahilan mo kung bakit gusto mo ng mga ito. Inggit yan. Huwag ka sanang maghangad ng isang bagay ng dahil lamang sa ang iba ay mayroon nito, lalo pa nga at kung hindi mo naman talaga ito kailangan. Natatakot ako sa itinatakbo ng iyong pag-iisip. Sabagay, ano nga ba naman ang magagawa mo sa impluwensya ng mga nasa paligid mo, mga naririnig at napapanood sa TV. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala ako sa tabi mo para magabayan ka. Pasensya na ulit.

Hayaan mo anak, binabalanse ko lang ang sitwasyon, malapit na akong gumawa ng hakbang upang hindi na maging komplikado ang sitwasyon nating dalawa. Nagkamali man ako noon, umasa ka na ikaw ang una kong isasaalang-alang sa mga balak kong gawin.

Mahal na mahal kita.

Daddy Apol

12 comments:

  1. pia, wawa ka nman paglaki mo! magtatalakayan dw kau ng lolo mo... este, ng daddy mo pala... hahah! cgrado, dudugo ang ilong mo sa sobrang lalim ng tagalog nyan at sasabog ang utak mo sa mga ideas nya na di ko alam kung san nya pinupulot...pero cgro, makakarelate ka rin, sa kanya galing e!

    ReplyDelete
  2. ang sarap na talaga magka-baby. Naiinggit na ako. Grrr... hehe

    ReplyDelete
  3. binx wrote:
    [pia, wawa ka nman paglaki mo! magtatalakayan dw kau ng lolo mo... este, ng daddy mo pala... hahah! cgrado, dudugo ang ilong mo sa sobrang lalim ng tagalog nyan at sasabog ang utak mo sa mga ideas nya na di ko alam kung san nya pinupulot...pero cgro, makakarelate ka rin, sa kanya galing e!]

    nakikiramay ako sa'yo pia...good luck!!!

    ReplyDelete
  4. Pia basta aayusin mo grammar mo ha pagkausap mo si daddy apol kasi magaling na editor yan hehehe

    Kuya sana nga matupad lahat ng mga mabubuting balak mo para sa iyong kaisa-isang anak na si pia. God bless!

    ReplyDelete
  5. your posts about your daughter always makes me sad..i wish i can give you a big hug and a kiss to Pia too.Just always be a good daddy to her apol, kids are very sensitive and she'll know and feel the real love from your heart, kahit na may distance kayo,physically. Glad she liked the gift i gave to her,saw the cute pic!

    ReplyDelete
  6. Happy Birthday to your Pia, Apol. Like Sachiko, your post made me really sad. I guess kaming mga mothers naiintindihan namin kung gaano kahirap para sa iyo ang malayo sa pinakamamahal mo. Don't give up, Apol. Try to always be there for her no matter what.

    ReplyDelete
  7. Belated happy birthday Pia!

    Wag kang malulungkot Pia. Sa buhay laging dadating yang mga masalimuot na pagkakataon. Di talaga maiiwasan. Pero ang importante, naitatawid pa rin natin ang buhay at di nawawala sa puso natin ang pagmamahal.

    At tsaka hindi man natin laging maasahan ang mga tao sa paligid natin, lagi naman nating maaasahan ang Diyos na ilagay tayo sa tama, sa ikabubuti natin, kahit minsan masakit ang paraang ginagamit Niya. Kelangan lang tayong magtiwala sa Kanya.

    Pia, hindi man bday ng Daddy Apol mo, paki-share na din sa kanya itong bday message ko sayo.

    ReplyDelete
  8. Apol, kamusta ka na? nababasa kong medyo malaki ang hinaing ng puso mo. ramdam na ramdam ko yung lungkot mo na hindi mo kasama ang anak mo nung birthday niya.

    kung gusto mo ng makakausap, alam mong andito ako. alam mo ang email ko.

    ReplyDelete
  9. :( nakakalungkot .... nalulungkot ako........sana paglaki ni Pia maintindihan ka niya at maintindihan iya kung ano ang sinasabi mo ....

    ReplyDelete
  10. Apol, ang lungkot naman ng post mo... sana maunlakan mo ako sa tanong kong ito... pupunta kasi kami ng GB this weekend pero wala pa kaming idea how to get there ... baka pwede mo ako sabihin paano mag-commute at magkano ang budget. Salamat ha.

    ReplyDelete
  11. Salamat mo sa inyong mga comments. Lalo na sa aking mga housemates at sa mga bekrs ko sa blogkadahan. swerte ko talaga sa inyo! =)

    salamat din sa'yo melai. sana nga.. sana nga...

    ReplyDelete
  12. walang anuman apol :)

    ReplyDelete