Monday, September 25, 2006

When it rains, it pours

Matapos ang medyo mahaba-habang unos, unti-unti na ngayong naaaninagan ang sinag ng araw na may kasama pang bahag hari. Ah, kay daming dapat ipagpasalamat!

Nagiging madalas na ang pagkikita namin ni Pia. Noong nakaraang linggo, namasyal kami sa Baguio. Ang sarap ng pakiramdam kasi masayang-masaya si Pia. Paulit-ulit nya nang sinasabi na, "Wow! Ang ganda naman dito Daddy Apol Cute". At sasagutin ko naman ng "Oo nga, Baby Pia Ganda!" Pasensya na po. miyembro talaga kami ng mutual admiration club eh.

Bukas ng gabi ay bibiyahe ulit ako papuntang Pangasinan at balak naming pumunta sa Hundred Islands sa Miyerkules. Excited na nga si Pia na maisuot ang bago nyang bathing suit. Sabi ng iba, hindi naman daw summer eh bakit daw punta kami doon. hehe! Wala na lang basagan ng trip!

Medyo naging maganda na ulit ang sitwasyon ko sa trabaho matapos ang mahigit isang taong wala akong ginagawa sa literal na pakahulugan. Looking back, I realized that I wasted so much time and opportunities. Mabuti na lang at mahaba din ang pasensya sa akin ni Bosing at may kaibigan akong panay ang kulit sa akin na lagi akong pinapaalalahanan at nagbibigay ng motivation. Salamat dre!

Unti-unti na ring nagiging maayos ang mountaineering club na sinumulan naming organisahin. Marami na rin ang nakakuha ng Basic Mountaineering Course mula sa MFPI. Bago matapos ang taong ito ay balak na naming ipormalisa ang club sa pamamagitan ng pagrehistro nito sa SEC. Kagagaling lang ng grupo namin sa Mt. Cristobal na sinasabing devil's mountain daw at nag side trip pa kami sa paanan ng Mt. Banahaw. Sa October naman, nakaiskedyul kaming mag rapelling course baka sa Majayjay.

May mga bagay pa akong dapat harapin at bigyang tuldok ng tuluyan pero hindi pa ako handa sa ngayon. Malapit na yun, huwag kang mag-alala. Pareho nating kailangan yun.

5 comments:

  1. hi sir apol... heheheheh kakatuwa nman kase may bonding kau ng baby mo... wish ko lang makasama ako dun sa mountainering club... kaya lang mukhang wish na nga lang tlga... hhehehehe... kakaintriga ang mga bagay na dapat tuldukan.... how i wish matuldukan ko na din ang dapat tuldukan... soweeee... wala lang pong magawa....

    ReplyDelete
  2. sir apol? hmmm.... da hu ikaw? hehe!

    ako rin, natutuwa kasi nga madalas na bonding namin ni baby pia ganda! =)

    ReplyDelete
  3. hi apol, I'm glad to see your clouds are lifting :) ang ganda ni Pia mo, ang laki na niya!

    ReplyDelete
  4. hi dear lolo apol cute!

    heheheh. i missssss you sobra. :(

    i know naman ur busy with ur life, lalo na sa career mo! im happy you have your bonding moments with ur little baby pia ganda.. kiss her for me, oki?! heheheh

    sometime, when ur not soooo busy, lets catch up! (isa na lng ba etong pangarap?!) heheheh.
    sana hindi! hmp. LOL

    mwah

    ReplyDelete
  5. hayy..yung tuldok na yon..take your time,mahirap na pag hindi ka pa handa,you might regret it.

    ReplyDelete