Monday, December 18, 2006

Badminton with Setsu

Sa hindi inaasahang pangyayari, sumama si Setsu nang inaya ko syang magbadminton kasama ang mga opismeyts ko. Wala lang, minsan kasi nagkakwentuhan kami, nasabi kong madalas ako maglaro ng badminton. Gusto nya rin palang maglaro para pumayat. At yun nga, inaya ko sya at sumama naman(to my surprise). But it's not what you think it is. Maigi na yung malinaw. hehe! Pero mas maigi nga kaya kung ganun nga? Basta ang alam ko lang medyo "ok" na rin naman ang set up ngayon.

So ayun nga, sinundo ko sya at sabay kaming pumunta sa Sheridan kahapon. Dahil hindi pa sya masyado sanay maglaro, tinuruan ko muna sya ng mga basics kahit na beginner pa lang din naman ako. 3 months ko na ring kinababaliwan ang larong ito.

Noong una, ang palo nya ay puro palobo at medyo mahina. Tawa ng tawa yung kaibigan ko nang marinig nya instruction ko kay Setsu: "Isipin mo kasi na ako yung shuttlecock!"

Aba at biglang lumakas nga ang mga palo nya, patusok pa! Matindi pa siguro galit ni Setsu. hehe!

2 comments:

  1. hehehe. buti sir hindi inapak-apakan ang shuttle cock nung sinabi mo na isiping ikaw yon. kasi kung ganon ang ginawa, siguradong galit nga sa inyo.
    jok lang po!

    ReplyDelete
  2. lekat na yan... ala una ng hatinggabi, napatawa mo ako about the shuttlecock! ayus sa training ah.. bigla bang umayos ang palo ni esmi?

    Merry Christmas, Apol at pati na rin kay Setsu at Sophia!


    - kiwipinay
    (http://pondahan.pansitan.net


    di ako makapag-post using my username. di ako makal login sa blogger. kainis!

    ReplyDelete