Wednesday, April 09, 2008

Kumikitang Kabuhayan

Kamote


Noong may opisina pa kami sa Makati, madalas kong makita ang eksenang ito doon sa panulukan ng Pasong Tamo at Gil Puyat tuwing pupunta ako sa opisina.

kamote


Mas makapal ang umpukan ng mga tao tuwing hapon, kapag oras na ng meryenda. May nagpapanukala pa nga na magkaroon ng numbering system gaya sa bangko, para daw maayos ang pila.

kamote


Kapag nagkataon pa na naubusan ka, pwede mong aliwin ang sarili mo sa pamamagitan ng panonood kung paanong maluto sa kumukulong mantika ang pinipilahang putahe.

kamote


At luto na ang Kamote! Kung talagang magkakagipitan sa bigas, pwede na siguro itong pamalit. Yun nga lang, mas magiging mabagsik ang amoy ng utot mo. hehe!

4 comments:

  1. nyaha! baho ng utot :)

    Sana meron din kaming ganyan dito... wala man lang mameryenda sa hapon.

    How bad ang rice shortage?

    ReplyDelete
  2. Langya kaya pala ubod ng baho ang utot mo noon hehehe

    ReplyDelete
  3. JMom, hehehe! baho talaga pag kamote. :-)

    Naku, P36/kilo ng bigas na P26 lang naman few months ago.

    Alex, nakikiamoy ka lang, wag ka na magreklamo! :-)

    ReplyDelete
  4. waaaah nakaka-miss ang makati!

    doon ako nag-ooffice nung 2004 to 2006, nakaka-miss ang turon, palabok, ginataan, longsilog, tosilog, goto etc etc ng jollijeeps. hehehe.

    ReplyDelete