Medyo napuyat ako kagabi. Iyak kasi ng iyak si Sophia at kahit natutulog na siya ay hikbi pa rin ng hikbi. Pilit akong naghanap ng kapaliwanagan kung bakit ganun ang ikinikilos ngayon ni Sophia. Napailing na lang ako sa mga nakalikot ng malikot kong pag-iisip.
Tumaas ang singil sa kuryente. Nasundan pa ito ng pagtaas ng presyo ng LPG. At ang gatas nya na dating nabibili sa halagang P 920.00, ngayon ay P 940.00 na (dalawang linggo lang nya ito nauubos). Kabi-kabila ang pamumulitika ng mga nasa gobyerno, lalo na ang mataray na si GMA. Laganap ang kidnapping. San kaya napupunta ang mga ransom? Pangpondo sa kampanya sa darating na halalan ng mga pulitikong pulpol? Ang daming walang trabaho. Haaaay.... Ano nga kayang lipunan ang naghihintay kay Sophia ko?
Sino nga naman ang hindi mapapahikbi sa mga pangyayaring ito?
Thursday, December 04, 2003
Tuesday, December 02, 2003
GMA, yari ka sa misis ko!
Simula sa Enero ng darating na taon, magtataas ng P 0.12/kwh ang singil sa kuryente ng Meralco. Panibagong dagok na naman ito sa mga mamamayang Pilipino! Sa kabilang banda, tinatayang madadagdagan ng P 1.9 bilyon ang kita ng higanteng kumpanya. Mukhang nagakakalokohan dito ah?
Mukhang senyales na ito ng pagsuporta ng mga Lopez sa kandidatura ni GMA? Ang mga halimaw nga naman! Walang pakialam sa kalagayan ng mahihirap na mamamayan. Tanging ang mahalaga sa kanila ay ang kani-kanilang pansariling interes.
Haaayyy.... Tiyak lalo akong sisitahin ni misis sa paggamit ng computer sa bahay. Nagagalit kasi lagi yun tuwing tumataas ang konsumo namin sa kuryente eh. Ang pinakamalalang mangyayari nito ay babawasan nya ang budget ko para sa Sanmig Light. Waaaaahhhhh!!! Di bale, sasabihin ko na lang sa kanya na si GMA ang may kasalanan ng lahat.
Hahaha! GMA, yari ka sa misis ko! (humanda ka na! Ibang klase manermon yun!)

Monday, December 01, 2003
Paglilinaw hinggil kay FPJ
Napakamot ako ng ulo kanina ng mabasa ko ang iniwang mensahe ng isa sa mga bumisiat sa aking blog. Galit na galit sa akin dahil sa mga opinyon ko tungkol kay FPJ.
Kaya nga gusto ko itong linawin ngayon.
Una tutol sa kandidatura ni FPJ hindi naman dahil sa kanyang pagiging artista. Pero ilang beses na rin syang natanong tungkol sa kanyang plataporma ay wala naman siyang masabing matino. Hindi nga sya dumalo sa forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce. Eh di sana napakinggan na natin ang kanyang plataporma. May sakit daw. Yeah, right!
Sino ba ang nagkakandarapa sa pagsulsol para sya ay kumandidato? Ang masa daw. Siguro may mga masa nga na gusto syang maging pangulo. Pero ang mas nakikita ko pang mas may gusto na sya ay kumandidato ay ang komedyante sa senado na si Tito Sotto, si Sen. Angara at si Danding. At yan ang pangunahing dahilan kung bakit tutol ako sa kanyang kandidatura.
Pero kung tuwiran nyang ipapahayag ang kanyang pagsuporta sa laban ng mga aping sektor ng ating lipunan, gaya ng mga manggagawa, magsasaka at iba pa, ay maari ko rin siyang iboto. Lalo na kung tahasan nyang tututulan ang panghihimasok ng Estados Unidos sa ating bansa.
Pero higit sa pagtutol ko kay FPJ ay ang pagkasuklam naman kay GMA! Lahat na yata ng gimik ay nagawa ng babaeng ito. Nandyan ng pumunta sa konsyerto ni Mandy Moore. At kamakailan lamang ay nakita ko ang infomercail (yun nga ba tawag don?) ni Manny Pacquiao bilang suporta kay GMA.

Subscribe to:
Posts (Atom)