Kaya nga gusto ko itong linawin ngayon.
Una tutol sa kandidatura ni FPJ hindi naman dahil sa kanyang pagiging artista. Pero ilang beses na rin syang natanong tungkol sa kanyang plataporma ay wala naman siyang masabing matino. Hindi nga sya dumalo sa forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce. Eh di sana napakinggan na natin ang kanyang plataporma. May sakit daw. Yeah, right!
Sino ba ang nagkakandarapa sa pagsulsol para sya ay kumandidato? Ang masa daw. Siguro may mga masa nga na gusto syang maging pangulo. Pero ang mas nakikita ko pang mas may gusto na sya ay kumandidato ay ang komedyante sa senado na si Tito Sotto, si Sen. Angara at si Danding. At yan ang pangunahing dahilan kung bakit tutol ako sa kanyang kandidatura.
Pero kung tuwiran nyang ipapahayag ang kanyang pagsuporta sa laban ng mga aping sektor ng ating lipunan, gaya ng mga manggagawa, magsasaka at iba pa, ay maari ko rin siyang iboto. Lalo na kung tahasan nyang tututulan ang panghihimasok ng Estados Unidos sa ating bansa.
Pero higit sa pagtutol ko kay FPJ ay ang pagkasuklam naman kay GMA! Lahat na yata ng gimik ay nagawa ng babaeng ito. Nandyan ng pumunta sa konsyerto ni Mandy Moore. At kamakailan lamang ay nakita ko ang infomercail (yun nga ba tawag don?) ni Manny Pacquiao bilang suporta kay GMA.
No comments:
Post a Comment